Angkas

Masama po bang umangkas ng motor 18 weeks na po ako?

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yung safety talaga ang concern sa pag angkas. Wala ka kasi protection if ever sumemplang or mabangga (wag naman po sana) kaya discouraged sana siya. 2 lives na kailangan mo ingatan. Though ako po dati umaangkas din kaya lang nabangga kami ng slight kaya pinatigil na sakin umangkas. Safe naman po si baby buti slight bangga lang.

Magbasa pa

No. I'm 19weeks at nakamotor kami kung nagbibiyahe lalo pag mgpapaprenatal aq. 1hr ride pa yun. Maliban nalang kung maselan ka at mababa ang matris mo, kailangan alagaan ang tiyan.

TapFluencer

Depende yan momsh, if di naman maselan pagbubuntis mo. Ingat² lang din. Ako kahit nung manganganak na ako sa motor parin sumasakay 😁😊

okay lang basta nagiingat at dahan dahan lang sa lubak. mas okay na sumakay sa pagkakatiwalaan mo kesa sa mga kaskaserong jeep at tricycle

Ako po umaangkas parin sa motor kahit 37weeks na si baby. Ngayong 38weeks na sya hindi na kasi wala na kaming motor 😂

VIP Member

Delikado sis, kahit gano ka ingat driver mo yung mga motorista mo naman makalasalubong sa kalsada eh kaskasero yung iba.

VIP Member

Delikado umangkas ng motor. kahit maingat driver mo kung ung babangga sa inyo e kaskasero

Hindi naman po masama basta hindi ka po maselan magbuntis.

VIP Member

Hindi naman po sis masama basta doble ingat lang po

Ok lng po wag ka lng maselan