Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin? Weird nitong panaginip!
Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin?? Nanaginip po kasi ako then sinabi ko sa lola ko. Ang sabi naman ng lola ko kuha daw po ako ng kutsilyo at itaga ko sa may maasim na puno kaso dapat daw di ko na muna sinabi kaso di ko naman alam na ganun pala.. ano po ibig sabihin?

Ayokong manakot at ayoko ding hayaan na lamunin ng takot ang sarili ko, pero nanaginip ako na naglalaglagan ang upper teeth ko unang una yung nasa pinakagitna... Pero hindi totally nalaglag kase nasalo ko pa ehh. At yung part na yun to be exact, yun ang insecurity ko talaga as in, kase nung gumawa ako ng content naka sideview ako para makita ang product... Kaya obvious na obvious tuloy ang nakausling ngipin at inisip ko talaga sya ng malala to the point na big deal na sya saken. Perfectionist kase talaga ako sa sarili ko ehh at nakukumpara ko ang ngipin ko sa ibang content creators na perfect and proper talaga ang pagkaka-align ng ngipin at mapuputi. At tsaka sa panaginip ko din, i was actually left behind and betrayed by familiar people, na ilang beses kong naranasan sa totoong buhay in the past... So bale, nasa malayong probinsya kami na kung saan bihira lang ang dumaan ang bus or kung ano mang land vehicle... Sumakay nalang sila without informing me, at nung bumalik ako sa parang wooden or native restaurant... Kase nga napag-iwanan ako may nagpapakalma saken at sinabihan akong KALMA KA LANG, may nagta-tap sa likod na kino-comfort ako. At yung nagsabi saken na ikalma ko ang sarili ko, yung hindi ko pa talaga kilala personally at napapanuod ko lang palagi sa Tiktok na nagbibigay ng tips... Most of the time talaga, dreams are reflection of our experiences and imagination or thoughts na naghahalu-halo. Yun yung mga naranasan natin mismo sa nakaraan at sa kasalukuyan at may mga random people na napapaniginipan yun lang din yung mga napapanuod or nakikita natin sa real world or sa digital world na kung saan masyado na tayong involved. Isa din sa dahilan na nabasa ko lang ay depression whether you're clinically depressed or not... Iba talaga ang kanyang naidudulot na ang kaakibat ay pagkakaroon ng anxiety, nag-o-overthink or masyado tayong obsessed sa mga bagay2x na mas lalong nagiging complicated dahil ino-over-analyze pa natin. At ito na nga, the day after I dreamt about those things, which was earlier this morning akala ko panaginip pa din... Pero umuuga ang third molar ko yun pala totoo na talaga, matagal ko na din kase itong pino-problema akala ko may bumara lang na pagkain or what... Pero kanina lang talaga nabiyak sya hindi naman talaga natanggal lahat pero medyo b*l*k na talaga yung nakuha ko... May nabasa din ako na kaya tayo nanaginip ng tungkol sa ngipin, it also has something to do with our dental health. Anywaysss, whatever we are going through in life kailangan lang nating gawin ay magdasal palagi, because there are things that are out of our control already... And our LORD GOD is always in control of everything, dasal lang talaga because prayer is the best weapon, and will always be... Dapat mapanatili ang ating strong faith kay GOD, and we should not fail to recognize or honor his greatness and power, at palagi nating isaisip na sya ang pinakamakapangyarihan sa lahat! 😇🙏
Magbasa pa

