Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin? Weird nitong panaginip!

Ano dapat gawin pag nanaginip na natanggal ang ngipin?? Nanaginip po kasi ako then sinabi ko sa lola ko. Ang sabi naman ng lola ko kuha daw po ako ng kutsilyo at itaga ko sa may maasim na puno kaso dapat daw di ko na muna sinabi kaso di ko naman alam na ganun pala.. ano po ibig sabihin?

26 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ayokong manakot at ayoko ding hayaan na lamunin ng takot ang sarili ko, pero nanaginip ako na naglalaglagan ang upper teeth ko unang una yung nasa pinakagitna... Pero hindi totally nalaglag kase nasalo ko pa ehh. At yung part na yun to be exact, yun ang insecurity ko talaga as in, kase nung gumawa ako ng content naka sideview ako para makita ang product... Kaya obvious na obvious tuloy ang nakausling ngipin at inisip ko talaga sya ng malala to the point na big deal na sya saken. Perfectionist kase talaga ako sa sarili ko ehh at nakukumpara ko ang ngipin ko sa ibang content creators na perfect and proper talaga ang pagkaka-align ng ngipin at mapuputi. At tsaka sa panaginip ko din, i was actually left behind and betrayed by familiar people, na ilang beses kong naranasan sa totoong buhay in the past... So bale, nasa malayong probinsya kami na kung saan bihira lang ang dumaan ang bus or kung ano mang land vehicle... Sumakay nalang sila without informing me, at nung bumalik ako sa parang wooden or native restaurant... Kase nga napag-iwanan ako may nagpapakalma saken at sinabihan akong KALMA KA LANG, may nagta-tap sa likod na kino-comfort ako. At yung nagsabi saken na ikalma ko ang sarili ko, yung hindi ko pa talaga kilala personally at napapanuod ko lang palagi sa Tiktok na nagbibigay ng tips... Most of the time talaga, dreams are reflection of our experiences and imagination or thoughts na naghahalu-halo. Yun yung mga naranasan natin mismo sa nakaraan at sa kasalukuyan at may mga random people na napapaniginipan yun lang din yung mga napapanuod or nakikita natin sa real world or sa digital world na kung saan masyado na tayong involved. Isa din sa dahilan na nabasa ko lang ay depression whether you're clinically depressed or not... Iba talaga ang kanyang naidudulot na ang kaakibat ay pagkakaroon ng anxiety, nag-o-overthink or masyado tayong obsessed sa mga bagay2x na mas lalong nagiging complicated dahil ino-over-analyze pa natin. At ito na nga, the day after I dreamt about those things, which was earlier this morning akala ko panaginip pa din... Pero umuuga ang third molar ko yun pala totoo na talaga, matagal ko na din kase itong pino-problema akala ko may bumara lang na pagkain or what... Pero kanina lang talaga nabiyak sya hindi naman talaga natanggal lahat pero medyo b*l*k na talaga yung nakuha ko... May nabasa din ako na kaya tayo nanaginip ng tungkol sa ngipin, it also has something to do with our dental health. Anywaysss, whatever we are going through in life kailangan lang nating gawin ay magdasal palagi, because there are things that are out of our control already... And our LORD GOD is always in control of everything, dasal lang talaga because prayer is the best weapon, and will always be... Dapat mapanatili ang ating strong faith kay GOD, and we should not fail to recognize or honor his greatness and power, at palagi nating isaisip na sya ang pinakamakapangyarihan sa lahat! ๐Ÿ˜‡๐Ÿ™

Magbasa pa

hindi po sa pananakot๐Ÿ˜Š pero every mananaginip ako ng natatanggal mga ngipin ko(yung paunti2 talaga nalalagas lahat walang natitira) may namamatay sa family or close na relatives. ganyan ako nung namatay father, mother and pinsan ko,pati narin yung pagkawala ng baby last yr,paulit2 din ako nanaginip naubos ngipin ko.iba iba yr sila nawala ,hindi lang once paulit2 ko mapapanaginipan, ilang months nakalipas ayon na nga nangyayari.. pero pray lang po, d naman nagdidicta ng future ang panaginip.. faith and pray lang kay God yan ang dapat gawin

Magbasa pa

I had a same experience, elementary student pa lang ako nung nanaginip ako na nabungi ako then kinabukasan kinwento ko sa mga classmate ko then sa mom ko tas yun nga sabi nila ikagat sa matigas na bagay bago ikwento dahil baka may mangyareng masama pero naikwento ko na agad bago pa ko maka kagat tas after a week ata namatay yung lola ko so hanggang ngayon naniniwala ako na pag nanaginip ka ng ganon tas naikwento mo agad eh may mamamatay

Magbasa pa
VIP Member

Same...pero super bata pa ako non.. nanaginip ako lahat ng ngipin ko isa isa natatanggal.. i told my mom about it.. pinakagat niya ako sa kutsilyo.. yung kutsilyo mismo kagat kagat ko..pero sa kabila.. hindi ung matalim.. iba iba pala. kagat sa puno.. itaga sa puno na maasim.. hehe.. well.. prayer is the best armor for all nightmares.. โค๏ธ๐Ÿฅฐ๐Ÿ˜

Magbasa pa

HI mommy! Huwag mo masyadong seryosohin yan. Panaginip lang po yan at hindi naman katotohanan. Try to forget it during the day. Are you pregnant? Baka kasi mga hormones po yan? May article kami about that: https://ph.theasianparent.com/pregnancy-dreams-and-their-meanings

If wala ka namang gift na malaman ang future then there's no need to worry. Ako naniniwala ako na may mga special na tao pero if you're not one of them then there's no need to worry about odd dreams. It happens all the time. Di lang natin maalala madalas.

Hindi totoo. Dreams are just a collection of your own thoughts. Never po nadictate ng panaginip ang mangyayari sa future kaya wala po kaugnayan yan sa reality. mga kasabihan lang po yan na walang basis

hi po share ko lang po may ipekto po ba sa puppy pag nilakadan po sya habang buntis po kasi nagtaka po kasi kami bakit masama pakiramdam ng puppy namin maghapon po sya natulog hindi po sya lumalabas at naglalaro at nagsusuka po sya

ganyan din ako pag nananaginip ako na natangal ngipin ko may namamatay ,minsan mahal sa buhay okaya relatives ,minsan kakilala,nung una hindi ako naniniwala pero nung mag sunud sunod na parang signus na pala yun.

Mas ok poyung naishare mo agad..,Walang masama sa pamahiin dahil Pinoy tau eh..Kung ano ung sabihin ng matatanda...sundin na lang...Ako nga kinakagat q sa Puno ngBayabas eh pag nananaginip ako ng ganun