sinanay sa karga

masama ba talaga to? kase para sa akin hanggat kaya kong kargahin si baby, gagawin ko. lalo na kung iyak na ng iyak, pag kinarga ko kase, tumatahan at nakakalma. naibababa ko naman siya at naiiwan sa kama na pagulong gulong (with safety measure of course) kaya kahit paano naman ay may nagagawa pa akong ibang bagay. para sa akin din kase gusto ko siyang laging hakap kase masarap sa pakiramdam ko rin. feeling ko yung connection naming dalawa. ganun din si daddy niya, ok lang ang kargahin siya. hindi ko lang magets yung mga taong nagsasabing, "wag mo sanayin sa karga" or "sinanay mo kase sa karga" ano kaya ginagawa nila to calm down their babies? may iba bang way?

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

napexpirience ko din yan mi. at siguro walang makakaligtas po sa mga sinasabi nila. mahalaga naman alam natin kung pano aalagaan yung mga anak natin. at lahat ng ina lahat ay gagawin at ibibigay para sa ikabubuti ng mga anak. yung panganay ko po gusto ko pa buhatin kahit turning 4 na siya at kahit super bigat na talaga. siya na mismo yung nag initiate na wag ko na daw siya buhatin kasi baka mapisa si baby🤣 kasi pregnant po ako sa 2nd baby ko. namimiss ko tuloy yung moment na palagi ko siyang buhat kasi alam ko na nacocomfort siya kapag malapit siya saken. kaya habang bata pa po ang ating mga anak samantalahin natin lahat ng pagkakataon kasi hindi na po natin yun maibabalik 😊

Magbasa pa

karga all you want mommy! may nabasa po ako dati na article na nakakabuti kay baby yung pagkarga ng parents kasi nabibigyan si lo ng sense of security. Sinasabihan rin po ako ng parents, in laws at mga kapitbahay na wag daw sanayin kasi magiging iyakin at kung ano ano pa. Lagi ko lang sinasabi "kelan ko bubuhatin? pag 18 y/o na?" natatawa lang sila. Pag mga time naman na alam kong nag iinarte lang si baby, di na namin kinakarga kasi bigla naman sya malilibang sa ibang bagay 😂😂 Mabilis lang ang panahon, within 2-3 years ayaw na nila mag pakarga. So sulitin na natin mga mamsh 😂

Magbasa pa

Karga lang hanggat gusto ni baby at gusto ninyo 😄 Nung single pa ko naniniwala ako sa huwag "ispoil sa karga" ang mga pamangkin ko. Pero nung naging ina na ko, I knew better and unli-karga and exclusively breastfeeding pa si baby. Nung baby sya, takbo agad ako to him kapag narinig kong umiyak. My lo is now almost 3yo and rather than being unreasonably clingy, he's actually quite independent at hindi iyakin. Siguro dahil growing up, feeling secured sya sa love at alam nyang he doesn't have to cry or throw tantrums just to get our attention ☺️

Magbasa pa

Yung wag sanayin kargahin is a very bad culture eme na ipass on.. Hirap talaga pag new gen mom ka tapos yung mga nakakatanda too imposing ng kanilang experience 😁,.. Kaya momsh buhat all you want. I've read a research na it develop deep connection when you held your baby kasi tayo lang ang person nila, tayo ang comfort at safe zone nila kaya they love to be held by us. Kaya go lang.. wag mo pansinin ang comment..

Magbasa pa

di naman mi ganyan din ako dati sa baby ko Pero now na 1yr old na sya di naman sya sanay magpabuhat kaya walang masama kahit buhatin mo sya ng buhatin dahil Sabi nga nila habang nalaki sila e ayaw na nila magpabuhat kaya yan yung chance mo na buhatin ng buhatin si LO mo dahil baby pa nga sya. ayun lang hehe ☺️😊

Magbasa pa
2y ago

thanks mi. 5mos pa lang si LO kaya talagang hanggat kaya pa buhatin. go lang

ganyan din baby ko noon mhie wala ako pake sa sinasabi ng iba kasi unang una anak ko eh hahaha di nmn sila yung nahihirapan pero ngayon isang taon halos ayaw na magpabuhat🥹🥹kaya sulitin nyo ganyan mhie hehehe kasi sa susunod nangaaway na cla

Wag tayong makinig sa mga sabi ng iba mii. tayong mga nanay ang nakakaalam kung ano ang mas makakabuti para sa anak natin. tayong mga nanay lang ang magddesisyon kung ano oh paano natin aalgaan mga anak natin,kung san komportable ang baby natin dun tayo.❤️

Kargahin mo lang mi hanggat nagpapakarga. Pagdating ng araw di na natin sila makakakarga. Ganyan din sabi ng byenan at hipag ko jusmiyo pero kapag sila may hawak sa anak ko panay din naman ang pagkarga kahit hindi nagpapakarga 🤦🏻‍♀️

kargahin mo lang as long as you like mommy. dadating ang time na kahit gusto mo sila kargahin, hndi na sila mgpapakarga. ienjoy mo lng mommy. no regrets ako kung sinanay ko sa karga un anak ko. dont mind their comments

hindi sila habang buhay baby mi. I'm ftm and boy si LO. Iniimagine ko pa lang, naiiyak na ako pag naiisip ko pag binata na sya, di ko na siya makakarga at kiss😭