What's your say on this?

Mas pipiliin nyo ba magstay sa "Unhealthy Relationship" para lang manatiling buo ng pamilya mo? O mas pipiliin mong mamuhay magisa pero broken family kayo?

60 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

for me mamuhay na mag isa..mamatay ka sa stress kung ipipilit mo ang unhealthy realtionship..broken family ako iisang anak kaya ako lage ang iniisip ng mother ko nun..kinausap ko sya na maghiwalay na lang sila ng father ko at wag ng ipilit kase sya lang ang nasasaktan..happy na kame ngayon ..wag ipilit ang bagay na hinde naman talaga dapat..ma stress ka lang..sabi nga pinagtagpo pero di tinadhana..

Magbasa pa

Kung sobrang toxic na ng relationship niyo and there's no way to reconcile it, Better na maghiwalay nalang. Maganda rin magkaroon ng buong pamilya, pero kung buo nga ang pamilya niyo pero nagkakasakitan, walang respeto at pagmamahal anong healthy environment ang kalalakihan ng anak niyo? Baka magkaroon pa ng emotional issues yung anak niyo later on. Magusap at isettle ng maayos. ☺️

Magbasa pa

Mas gusto mo ba ipakita sa bata na hindi n kayo masaya ng partner mo? Parang mas kawawa yung bata kapag ganon ang lagi nyang nakikita. I'd rather na broken family, at ieexplain ko na lang sa bata kung bakit kamo nagkahiwalay ng daddy nya. Mas tragic sa bata ang makita nya na hindi na masaya ang family nya.

Magbasa pa
VIP Member

Bago ako pumasok sa kasal, alam ko sa sarili ko na if ever iwan man niya ako or lokohin alam kong ready akong mamuhay mag isa with my kids na di umaasa sa kanya. Di ko hahayaang maging miserable buhay ko dahil lang sa lalaki. Haha. (Buti mas matino sakin at takot sakin asawa ko, wag nawa magbago) hahaha

Magbasa pa

Isipin mo kung ano ang mas makakabuti sa bata. Kasi sila ung mas affected pag di kayo okey ng asawa mo. Kung kyang ayusin ayusin pa pero kung hnd wag muna ipilit. Ano ba ung mas makakabuti sa bata? Ung buo nga kyo pero deep inside di kyo okey or hnd kyo buo pero okey naman kyo.

If pareho kayo na gustong mai-ayos yung pagsasama n’yo, para sakin stay pa rin kahit ndi na healthy kasi nawowork out naman yan basta pareho kayong willing. Pero kung ikaw lang, iwan mo na mamsh. Kung ako, Mas pipiliin ko nalang broken family kesa araw-araw akong stress at malungkot.

Magbasa pa

Kahit na lumaki ako sa isang broken family, pipiliin ko parin na umalis sa isang toxic na relationship. Kasi kawawa magiging anak namin if ever wala na kaming love sa isat isa ng partner ko. Pano namin sila matuturuan ng tama kung kami mismo ay hindi good example

Kahit walang tatay yung anak ko basta makapamuhay lang kami ng tahimik at masaya okay na yun kesa naman sa magkasama kmi ng tatay niya na puro stress at sama ng loob lang naman ang ibinibigay sakin palagi e wag na lang kung ganun lang.

VIP Member

kami broken kami pero kasma ko mama at kapatid ko. d na ksi maayos ung samin malaking lamat na. pero dumadalaw pdn kami sa papa ko. :) depende ksi yan kung ano ang naging ganap. hndi ksi healthy kung di na maayos at di na masaya.

Mamuhay magisa in my opinion. Kase kung di healthy ang pagsasama nyo at for the sake na para lang buo ung family nyo, both ikaw at yung mga anak mo ang magsusuffer. Atleast kpag mamuhay ka magisa, less stress kayo ng mga anak mo.