Away Parati

Mas masakit pala maliitin ka ng partner mo dahil wala kang maambag sa mga bayarin kesa sa magcheat sya. Naloko na nya ko pero napatawad ko sya, pero ung sigaw sigawan at mura murahin ako, at itapon ung isasaing ko dahil lang sa wala na syang pera eh sobra sobra na.. Di na talaga ako umimik sa sobrang punong puno puno na ko. Nung natapon ung mga bigas, winalis ko padin. Pero tahimik lang ako. Habang sya nakatitig sakin, "Tangina ko daw, ano daw ba pinagmamalaki ko" . Nagimpake na ko at nilayasan ko na sya. Wala ng salita salita nung umalis ako. Sya sigaw at puro mura. Di ko na sya pinansin. Sobrang nakakapangliit mga sis. Enough is enough. Ngayon text sya ng text, puro sorry. At bumalik na daw ako. Sunduin nya daw ako, asan daw ako. Pero di ko na sya nirereplyan. Nawalan na ko ng gana. Napagod nadin siguro ako.

102 Replies
undefined profile icon
Write a reply

Tinapon pa ung isasaing eh wala na ngang pera. Yaan mo na yan momsh. D mo deserve muramurahin. Buti nlng nilaysan mo na yan. Sya ang pabigat sayo e.

mukang may anger management issue ang partner mo sis. red flag yan sa relationship. malaki ang possibility na saktan ka nya in the future...

Ang hirap ng ganyan. Kaya mo yan. If you think he will change then try to fix it but not soon kasi you need to heal from the pain he caused you.

Good for you sis.. Sana hnd ka magpadala sa mga sorry nya... Yung natapon ung sinaing mo, malas un sis.. Ung wla na nga kayong kapera pera,

wag kana bumalik walang respeto sayo tang asawa mo .wag natin hayaan ganyanin tyo ng mga lalake wala silang karapatan .😓

VIP Member

You made the right decision mumsh! Wag kang maging marupok, kapag hindi ka na nirerespeto bigyan mo ng dignidad sarili mo.

Post reply image

Wag kana babalik sis. Abusive partner sya sayo what if pa as a father. So goodjob for letting go. Kaya mo yan mamsh!

Cheer up mamsh hindi mo deserve itreat sa ganong way. Self care muna at hayaan mo siyang magsisi at marealize mali niya.

Wow! Ito na yata ang pinaka The best na ginawa ng babae sa mga ganyan lalaki. Be proud sis! Be brave!

VIP Member

Wag mo na balikan yan di ka na nirespeto. Mag sosorry tapos uulitin na naman yan niya sayo. Give yourself peace of mind.