43 Replies
if possible sana.. kaso from the start of our relationship nasa barko na sya eh. kahit gustuhin man nya na dito lang sya sa amin lalo't manganganak pa ako next month pero ndi talaga pwd kasi malaki ang sahud pag sumakay sya. kaya tiis tiis muna hanggang sa may enough saving nah.. saka na tumigil sa kaka barko.
For me dito lang gusto ko hnd nmn ako naghahangad ng malaking sweldo ni hubby lalo na sa panahon ngayon... Mas gusto ko na buo family namin magkakasama kami minsan kasi yung pagkakalayo ng magasawa ayon yung nagigung dahilan ng pagkasira ng family so for me ayaw ko ko na magabroad siya...
nsa abroad na Husband ko cmula ngkakilala kami,.yearly nmn sya umuuwi and araw2 naman kami mgkavideocall kaya na sanay na rin,,pero this time na mgkababy na kami plan n namin na tapusin nlang nya contract nya,my srling bahay naman na kami kya plan nmin mgtayo ng business after kong manganak..
Dito na lang. Dati pa lang, plan na nya na maging super hands on sa baby, kaya pinupursue nya yung business nya so he doesn't have to leave home and be with us everyday. Kung magkakaron man ng opportunity sa ibang bansa, we'll take it if buong pamilya makakasama 😊
Napag usapan rin namin to, plano namin if may stable job kami na kaya isupport ang family and baby, mag stay dito sa Pinas. Pero if isa saamin need mag abroad kailangan 2-3years lang at mag ipon kami para makapag establish ng investment dito sa Pinas.
Dito nalang po kayo. Pero kung di mapigilan dapat magkakasama po kayo sa ibang bansa. mas maganda yung magkakasama po kayo as family. ang hirap lumaki ng isang bata na ang mom/dad nya minsan lang nya makita .stick together no matter what
For me it's a no po. Ilan beses na na offeran si hubby ng promotion pero kapalit is malilipat sya sa malayong branch. Clingy po kami na family, mas masaya po kami pagka sama2x kami :) a simple life is a happy life ❤️
ilang beses ko na pinupush asawa ko, tutal may credits naman sya maritime undergrad, ayaw nya rin. baka ako na lang. lalo ngayon hindi maganda ang pasok ng finances namin, ayoko naman umasa diba sino lang ba tayo.
For me, dito nalang. Pra makita niya paglaki ng anak niya, makadaddy pa nmn baby nmin. ayoko tlga ng malayo siya ee. mahirap na. hehe.. bka sa tulfo kmi humantong. nyahahha. just kidding..
Kung may chance na gaganda buhay nmin why not? Basta Ang condition kailngn kunin niya Kmi soonest possible., or else Pwede ko siya ireklamo sa poea Kung mag loloko siya, Pwede siya mapa uwi