abroad or not?

mas gugustuhin nyo bang mag abroad si hubby para mas magka pera kayo? or dito lang sa pinas na maliit kita pero at least makikita nya lumaki ang baby nyo?

43 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

For me mamshie mas like namin mag asawa kasama si baby. Oo mahirap buhay dito s pinas pero kayang makaraos katwiran kasi namin ni hubby mas mahirap pag lumayo loob ji baby samin kasi may mga kakilala kami na ganyan ofw mga parents nabibigay nila gusto yes na yes pero dumating sa point na ung isnag friend namin na need na nila i pa consult sa psychiatrist kasi nga ilag and ayaw talaga sa knila nung anak nila. Pero depende pa din yan sa pag uusap nyo ni hubby and kung need talaga ng financial assistance. Kasi ngaun may mga VIdeo call na maging open communication kau as a family🙂

Magbasa pa

ok lang naman na mag abroad si hubby para makaipon and masuportahan niya kami lalo na yung baby namin.... hindi naman porket mag asawa kayo ehh dapat lagi na kayong magkasama.... minsan kailangan niyo ding magkalayo para makaipon at makapag simula.. at hindi naman ibig sabihin na aalis siya ehh habang buhay na siya dun... pwede naman kayong magset ng kung ilang years niyo gusto dba... nasasainyong mag asawa lang yan... kung magiging mahina o malakas kayo para sa fam. niyo

Magbasa pa

abroad si hubby ko subrang hirap ng wala sya sa tabi ko lalo na ngayon na malapit nakong umanak.. lahat ng responsibility ikaw ang papasan lalo na at wala pa kaming sariling bahay malayo pako sa magulang ko sa kapated kopa ako nakatira amd kinukuha ko ng byenan ko pagkaanak mahirap ang walang asawa pero kailangang mag sakripisyo para sa future ng bata ..kaya tiis tiis muna sa ngayon ang importante safe ang aking asawa at kami ni baby..😊

Magbasa pa

Napagusapan na namin tong dalawa sagot ko "no" kung nahihirapan naman siya suportahan kame pwede din naman ako magtrabaho parehas kame kakayod mas gugustuhin ko pa yun kesa hindi niya makasama yung anak niya hindi niya masubaybayan paglaki maraming way para umahon sa buhay hindi lang ung pagiging ofw hindi ako papayag na magkahiwa-hiwalay kame dahil ranas ko ang walang tatay na nakasama di ko hahayaan maranasan niya yun.😊

Magbasa pa
VIP Member

Para sakin, mas importante magkasama kasi hindi nabibili ng pera yung oras na makasama mo yung pamilya mo. Minsan lang din maliit ang mga bata, ang bilis ng panahon. Mas maganda yung lumalaki sila na may tatay at nanay na nakagabay. Unless siguro kung sobrang hirap ng buhay dito and walang ibang option but to work abroad. Pero as much as possible, kung kaya naman dito, stay nalang.

Magbasa pa
4y ago

+1.. hnd mababayaran ng pera ang time na lumipas at nawala sainyong magpamilya :)

No. Sabi ko nag-asawa pa tayo kung hiwalay din tayo through the years. Kase ganun papa nya, buong buhay nila nasa abroad minsan lang makauwi. Ayoko ng ganun. Maikli lang ang buhay, gusto ko magkakasama kami. Pareho naman kami may pinag aralan kaya kakayanin namin kahit wag na mag abroad. Diko kailangan ng marangyang buhay, basta masaya at financially stable.

Magbasa pa
VIP Member

Sa situation namin, my husband is fil-american, he's a citizen sa US and kelangan nya talagang bumalik doon kase mawawala citizenship nya pag hindi. So ako, ok narin ako kase in the future madadala nya din kami doon and magkakasama ulit kami, but for now we have to sacrifice para sa future ng baby namin kahit na mahirap ang LDR kelangan kayanin 😊

Magbasa pa

in my case mas gusto ko na nasa ibang bansa hubby ko kasi nabibigyan nya kame ng magandang buhay unlike dito sa pinas ang taas ng standard pero low income..Husband ko almost 8yrs ng ofw natigil lang dahil sa pandemic kaya napauwi ng pinas nag apply ng work dito pero hindi sapat kinikita nya buti nabigyan ulit sya ng opportunity na makaalis ng bansa kaya thankful kame.

Magbasa pa

Ntry ko n mg abroad gang ngayon dito pdin ako sa bnsa n pnunthan ko pero ala pkmi ng anak nung umalis ako. Cnundan nya ko dito. Dito nkmi nkabuo ng baby gusto n nmin umuwi pra dun mnganak sa pinas kaso 4 times ng cancel ang flight. Khit ganuh cguro khirap ang buhay mgttiis kming mgkksma mhirap kc plkihin mg isa ang baby. Iba pdin kung dlwa kmi nkasubaybay saknya.

Magbasa pa
VIP Member

Napag-usapan na namin ni hubby yan, ayoko na malayo siya samin ni baby. Skilled naman siya and sakto lang din naman ang nasasahod niya, sapat parin naman for us. And we decided na mag-tulungan kami hanggang sa makaipon ng konti at makapag patayo ng kahit maliit lang na investment. Iba parin kasi pag buo ang pamilya.

Magbasa pa