Nagkaroon ka na ba ng relasyon sa isang taong may asawa?
Nagkaroon ka na ba ng relasyon sa isang taong may asawa?
Voice your Opinion
Oo.
Hindi

5954 responses

47 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nagkaron ako ng karelasyon na may kaleave in na at asawa ko na ngayon. Hindi sila kasal pero tingin ko un pinakamasama kong nagawa sa aking kapwa at sarili. Huli na nalaman ko n my kaleave in xa bago kami nagpakasal. Ang sabi nya lang may anak na xang sinusuportaha pero hindi may nabanggit na nagsasama parin sila sa iisang bubong kahit kami na. At ang masama pa neto wala ni isa sa pamilya nya ang nagsalita tungkol doon. Nalaman ko nang kasal na kmi. Pinilit ko sya pumili samin ngunit wala sya binitawan samin.At ngayon pinagbabayaran ko hanggang siguro nagsasama kmi wala ako peace of mind. Hindi ko n kaya makihati pa sa lahat ng bagay. Oras, panahon, atensyon, financial at pagmamahal.😟Humahanap ako nang tamang tiyempo pagkaya ko na mag isa buhayin mga anak namin hihiwalayan ko na sya para maging malaya na sila magsama.

Magbasa pa

Yes. Pero hindi ko alam na may asawa sya nun. Sabi nya kasi hiwalay sila nung asawa nya then iniwan sa kanya yung anak nya. Pero hindi nagtagal nagka kutob ako tas madami na din nag sasabi saken na hindi pa nga daw hiwalay hanggang sa dumating yung time na nag chat saken yung girl na gamit yung account ng asawa nya. Ang sabi ko pa.! Bakit ngayon lang sya lumitaw. But! Maayos naman kame nung girl at nung boy! Walang awayan na naganap.

Magbasa pa
VIP Member

Sadly yes.. Pero matagal na naman na silang hiwalay.. At wala silang anak nun.. At may kinakasama na din yung girl.. Ang nakakalungkot lang.. Mahal ang annulment.. 😔 Pero sobrang happy naman kami at mag ka baby na kami.. Di na namin inisip na kasal siya mahalaga mahal namin isat isa😊 saka tagal na din namin.. So blessed pa din ako to have him🙏😍😘

Magbasa pa

Sana di bumalik ang karma sa mga lalaki at babaing pinipilit maging kabit sa may pamilya na. Matinding sakit ang nararamdaman ng asawa na pinagtaksilan. Di lang sa sarili, kundi para sa mga buong pagkatao ng mga anak nila. Sana magkaroon sila ng lakas ng loob ibalik ang dignidad nila itama ang mali. Dahil ang mali ay mali.

Magbasa pa

bakit kasi kailangang manloko para sa sariling kapakanan. sasabihing binata, yun pala ay may sariling pamilya na. kawawa ang mga babaeng nabibiktima ng ganitong tao. sobrang sakit lalo nagkaanak pa kayo at minahal mo ng sobra. mabuti na lang natauhan, ngayon ay masaya na at nakatagpo ng tunay na magmamahal. pinakasalan kahit mayroong madilim na nakaraan.

Magbasa pa

Bakit po ba may mga taong kahit nalaman nilang pamilyado na, kasal o hindi kasal, tuloy pa rin sa paglandi sa partner ng ibang tao...? Bakit okay lang sa kanila na may masaktan silang tao...? Sorry po kung may tinamaan. Nararanasan ko po kasi ngayon. Ang sakit sakit. Ang taas pa ng pinag-aralan nung babae, bakit nya binaba sarili nya sa pagiging kabit...

Magbasa pa
2y ago

.ang reason kz nila ngmahal lng sila kht edukada pa sila at mahal nila ung tao wala silang pakialam kung my nasasaktan sila o my naapakan, ganon sila basta maging masaya lng sila.

muntik na...classmate ko dati, then after few years nagkita kami, exchange ng numbers..pasahan ng mga quotes. biglang tumawag ang lalaki at biglang boses babae ang nakausap ko, sabi niya kung nililigawan ba ako, sabi ko Hindi. yung pasahan ng quotes kasi dati madalas ko nang gawin kahit kanino noon. malay ko ba na may meaning iyon sa kanya...

Magbasa pa
VIP Member

Yes, but separated na sila. They had one child pero nasa side nong babae. Before maging kami ni hubby kwenento nya nmn na may una syang wife and daughter but hiwalay na. And balita din my family na din si girl with another guy so ok naman, sustento na Lang talaga sa bata. Kung gusto nya dalawin anak nila open naman eh🙂 di ko ipinag dadamot...

Magbasa pa
VIP Member

Pero seperated na sila. At bago naging kami ikiniwento naman nya sakin tungkol sa kanila. Matagal nang hindi umuwi yung babae at yun pala may kinakasama na tinago yung totoo. May ibang pamilya na din ang babae at alam nya din nya at ng pamilya nya yung tungkol samin at ok naman sila ang importante support lng sa pag aaral ng anak nila.

Magbasa pa

Hindi po natin masisisi yung mga babae kc tulad po natin nag mahal lang din po sila , remember hindi magiging magulo yung buhay niya kung d pumasok yung lalaki sa buhay niya, kasalanan ng lalaki yun alam niya ng may responsibilidad siya NAGHANAP AT NAKUHA PANG MAKIPAG LANDIAN SA IBA 💔

5y ago

Para po sa akin responsibilidad nilang pareho un.. ke lalaki o babae pa ang unang nagbigay Ng motibo hindi dapat sila pumasok sa ganong relasyon lalo na alam nilang pamilyadong tao ang magiging karelasyon nila