Ok lang ba? Sss

Married na ako mga mamsh. Pero di pa updated sa mga iDs ko etc. Kapag ba nag file ako sa sss maternity benefit ko ok lang ba na single ako pero sa birth certificate ni baby ay married ako? Ok lang ba ifile un? Anyone? Thanks po

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

via SSS portal pwede na Po kaung mag update ng surname. medjo matagal lng tlga Sila mag update, u only need to attach ung psa scanned copy ng marriage cert. sa case ko Po nagfile aq ng mat 1 sa hr/employer Sila Po magpoprocess. married na Po ung nilagay ko Doon kht di pa naaupdate ni sss ung surname ko until now. ok lng nmn Po un Sabi ng hr kse magbabase pa rin nmn Sila sa sss# mo. About sa ID, punta Po kau sa philhealth, mabilis lng Po magpaupdate ng id or married status Doon. hingi lng Po Kayo ng updated ID Doon.

Magbasa pa

May employer po ba kayo or voluntary kayo sa sss? Sa voluntary kasi once nag file ng maternity notif thru online sa sss dapat match yung mga ids... So kung wala ka pang updated na mga id, better yung single na info mo muna. Regarding sa pag claim na ng benefit (mat2), kahit single ka nung nag file ng notif, ang titignan naman po sa mat2 ay yung birthcert ng baby at naka indicate naman dun yung maiden name mo which is yun din naman ang naka register or nakalagay sa notif mo. Inshort, makukuha padin po.

Magbasa pa

mat1 ko maiden name ko pa. pero itong last week nagpunta ako sss para ma update ang status at name ko. much better magpa update ka na para sa data nila yung apelyido na ng asawa mo. nagsubmit lang ako ng psa marriage cert. tsaka valid ID pwede yung maiden sa ID na meron ka. pero kasi ako nauna na ko nagpa change status sa philhealth at tin kaya may married name na ko, yun submit ko. pag uwi q bahay, nagcheck ako sa portal, updated na agad. apelyido na ni hubby sa sss ko.

Magbasa pa
TapFluencer

update mo na lang mi para sure. mabilis lang sa portal. upload mo lang yung marriage cert copy nyo. kht ung galing civil registry p.lng kung di pa avail sa psa. tinanggap ung akin. within a week, updated na civil status ko and legal name sa sss

nagfile ako ng MAT1 single but inuodate ko din status ko to married. Waiting na lang ako marelease ang MAT2 after give birth by my company since employed ako

If voluntary ka mi, okay lang. Same tayo ng situation, not updated/single pa sss ko, pero in birth cert, married na. Nakapagfile and naapprove naman ako.

Pwede mo na update sss status mo to married. Isabay mo na sa maternity benefit application mo. Dala ka lang ng marriage cert niyo.

VIP Member

update nyo po. tpos sa bank na ililink mo ky SSS need din dpat same apelido. kung Hindi d sya pwde ilink.