Ano'ng hardest BUNTEST na pinagdaanan mo?
Maraming challenges sa pagiging buntis. Mula sa morning sickness hanggang sa labor. So far, ano'ng pinaka challenging na pinagdaanan mo?
na stress lang ako nong buntis ako ung tuwing pag uwi ko ng gabi may lagnat ako at nagluluha ang mata ko sobrang sakit ng ulo ko. π plus ang leg cramp na mangiyak ngiyak ako sa madaling araw sa sakit haha
hindi aq hirap sa 1st and 2nd trim ang mahirap is bedrest aq kc malambot cervix pro ngaun 3rd trim ang hirap matulog lalo na kpag nasiksik sya sa gilid..π pro ok lang inenjoy lng hehhe
ngaun sa 2nd baby ko,1st trimester plang ako grabe hirap ko ngaun,napaka selan ko puro higa lang ako pag kkilos ako bilis ko mpagod, lahat ng kinakain ko sinusuka ko rin wala din gna kumain π₯Ί
Ang controlin blood sugar.... in moderation kumain mg carbs at sweets....pero ano magagawa ko kung gutom na kami ni baby at yun lang ang available na pagkain. Basta controlled padin at may disciplina
kundi kabit, byenan ang anay sa pamilya tlaga π i feel u sis..buti ndin at maaga palang palaban kana..wag mo hayaan xa massunod sa buhay nyo kundi nako, pagdudusahin ka nyan..
Pinagleave of absence ako sa work at 7months, (walang kita, nabawasan ipon pampaanak) tapos nalaman ko Nambababae ung tatay ng pinagbubuntis ko at 8months and continues pa den sya hanggang ngayon.
Dumating ang covid im on my 2nd trimester that time. High risk aq nun at almost weekly aq magpacheck up, pero nahinto yun. Wala kmi work pareho ni hubby. Lahat ng plans sa panganganak nabago
Yung ngayong 1st trimester ko super ini stress ka sa work, pinagkakaisahan ka ng TL mo at mga sipsip na ka work mates mo. Tapos nagkasakit ka pa. Hirap talaga minsan nagihirapan na ako matulog
1st trimester, lahat sinusuka ko kahit tubig. tanging sabaw ng sinigang lang tinatanggap ng tyan ko at namayat ako ng sobra dahil hindi ako kumakain hanggat di sabaw ng sinigang ang pagkain π₯²
Vomiting until 16 weeks. 62kls was my heaviest when I started my pregnancy and lose 10kls after 16 weeks due to severe vomiting. I'm currently 29weeks now, weighing 55kls πππ