Ano'ng hardest BUNTEST na pinagdaanan mo?

Maraming challenges sa pagiging buntis. Mula sa morning sickness hanggang sa labor. So far, ano'ng pinaka challenging na pinagdaanan mo?

Ano'ng hardest BUNTEST na pinagdaanan mo?
333 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

1 to 4 months ko .. sobra selan ko maglihi di ako kumakain kasi nasusuka ako sa lahat ng pagkain basta makaamoy lang ako suka na .. everymonth asa ospital naka dextrose kasi wala naku kinakain tubig at saging lang umabot pa ako sa point na nasusugat na lalamunan ko my kasama na dugo suka koπŸ˜” ang sexy ko during preggy days bumawi nalamh ako nung pa 6 months na.tyan ko

Magbasa pa

pnka'hardest buntest n pinagdaanan q sa pagiging buntis nung tumaas ng hustO ung bloOd sugar q ndi aq mkakilOs ni makakain dhil sObrang hilOng'hilO aq nung ngpa'check aq ng dugO dun cnbi ni Ob n mataas ang bloOd sugar q kya ayun medyO diet sa matatamis n prutas pra mging nOrmal ulit ung bloOd sugar ang hirap kz sa ting mga buntis lging gutumin kya ang hirap tlga

Magbasa pa

yung mag akyat baba sa hagdan kasi nakakahingal na, tapos pag humiga sobrang sakit na ng balakang ko halos kailangan ko talagang mag patulog sa asawa ko makabangon para mag iba ng pwesto sa paghiga. at tapos nung nag ecq stay in asawa ko lagii akong na iiyak kahit alam kong tig isang linggo uwi naman na sya yung lagi ko kasi sya hinahanapπŸ˜…

Magbasa pa

picky sa food si baby nung 1st trimester ko sobrang hirap kasi wala gana kumain tapos bumagsak timbang ko which is nakakatakot lalo na d ko naman mapilit sarili ko kumain kasi nakakailang subo palang ako nasusuka na ako. then yung part na d ko kasama asawa ko lagi lang vc d makuntento baby ko parang gusto lagi kausap si hubby

Magbasa pa
VIP Member

Yung kahit na buntis ako at may mga anak akong toddler na inaalagan, eh yung pamilya ng asawa ko inaaway parin ako. Wala silang respeto saakin. Inaapi api lang nila ako. Dahil siguro wala akong pamilya kaya minamaltrato nila ako ng ganito. Mga mata pobre sila at trouble maker. Hindi man lang sila naawa saakin, sa pinagbubuntis ko at sa mga anak ko.

Magbasa pa

praising God kasi sakin ok nman in laws at family ko...kaya blessed kami magasawa...so far pinakamahirap sakin ung first trimester ko kasi I had my morning sickness and I got fever also...kaya ndi madali pero to the rescue din asawa at mom in law even my mother kaya alaga ako...I am on my 39weeks now..praying for me and baby for a safe delivery

Magbasa pa
VIP Member

nung di ko pa alam na preggy ako, 1 month na pala ang baby ko non hindi ko alam bakit sobra akong nahihilo lagi at naduduwal ung feeling na sobrang sakit talaga ng ulo ko, halos naka isang banig ako ng biogesic nun πŸ₯²πŸ˜” kampante kasi ako non na d ako buntis kc calendar method and withdrawal kami ni hubby...ayun pala may baby na πŸ˜…

Magbasa pa

Nalaman ko na my husband is cheating on me. Tho pinili nyang hindi ako iwan at ang baby namin, sobrang hirap na 2 lang kami sa house tapos ramdam mong wala ng love. Nakaka suffocate. Gusto kong maglayas, umalis pero may Covid eh. lol saka sobrang bait ko sa knya na ayaw kong masira image nya sa family nya at lalo na sa family ko.

Magbasa pa

breakdown ako . nakahanap si hubby ng iba . nag commit magpalaglag kaso di natuloy dahil den sa breakdown na un napabayaan at nagkasakit si panganay ko . sobrang hirap at nakakaiyak pag naalala ko . so now im 37 weeks pregnant hopefully for healthy and safe delivery .

3y ago

nakakarelate ako sobra. ang hirap ng may pinag dadaanan tapos buntis pa. buti kung ikaw lang iniisip mo, kaso may baby pa. hays. pero kakayanin mo yan momsh. promise. matatag tayong mga ina, para sa mga anak natin..

Ung kasabay ng pandemic ang hirap ng buhay ngayon lalo na at kabuwanan ko na din. Halos wala kaming ka pera pera ng partner ko πŸ˜” at wala din syang trabaho ngayon. Hndi kami prepared kulang pa gamit ng baby ko. Pero sa awa ng Diyos, nakakaraos pa rin kami. Thank you God. Sana lng po makayanan namin to ng baby ko. πŸ™πŸ™πŸ™

Magbasa pa