Ano'ng hardest BUNTEST na pinagdaanan mo?

Maraming challenges sa pagiging buntis. Mula sa morning sickness hanggang sa labor. So far, ano'ng pinaka challenging na pinagdaanan mo?

Ano'ng hardest BUNTEST na pinagdaanan mo?
333 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

The most challenging part for me is now that I am in 37weeks and I am suffering from pain of may inguinal hernia or luslos in tagalog. My OB put me in a 100% bed rest 2weeks ago because as she checked my cervix, it is open due to stress. I can’t walk cause it is giving me unbearable pain if I will force my self to do it. I can’t even laugh out loud or even cough cause it triggers my hernia to push down more. 😭 I hope my labor starts as soon as possible. Pray for me.

Magbasa pa

yung buntis ka tapos ikakasal ka tapos yung galit, stess ng groom sa trabaho nya sayo ibuntong. laging umiiyak, hinihiwalayan, iniiwan, d man lang ako inintindi sa mga gusto ko at cravings,, ang oa ko daw..😂 dumating pa sa point na na depress ako, muntik na akong mag suicide kahit buntis ako,.😭😭 buti nlng nalabanan ko.. walang araw na d ako umiyak.. hanggang ngayon na nanganak na.. puro stress lng bigay ng asawa ko,, d ko nlng pinapatulan, kasi may anak ako....

Magbasa pa
VIP Member

Yung naglilihi ka pero wala kang pangbile ng gusto mo😭 dami mong gusto kainin pera nalang kulang. Yung morning sickness ko sa first trimester sobrang hirap, ung onting kain ko palang isusuka ko na. Then now, 2nd to 3rd trimester, sobrang hirap magbuntis ng may alagain kang 2yrs old😔 gusto mong magpahinga hindi mo magawa dahil need alagaan si panganay. Sobrang hirap maging nanay😭 pero kailangan lumaban dahil ito na tayo, mommy na at ito ang obligasyon naten!

Magbasa pa

ung magtusok ng karayom araw araw sa daliri at ktwan ung tatlong pinagbuntis ko dko naranasan ang ganito wla ako kht anung sakit pro itong panglimang pinagbuntis ko ilang beses pa ako labas pasok sa ospital ung pang apat na pinagbuntis ko nakunan ako nun kya doble ingat ako ngaun lalot npka silan ko sa pagbubuntis konting galaw qng dming mskit may bukol pa ako sa matris pag nasisipa ni baby sobrang kirot kya pray lng po tau makakaraos din taung lht

Magbasa pa

This is my first pregnancy, then nakikitira kami sa bahay ng partner ko. Tapos sobrang toxic ng family nila. Yung feeling na ang iluluto nung nanay ng partner mo eh ung hindi mo pa kinakain. Kaloka diba? Akala mo hindi nya napagdaanan yung stage ng pagbubuntis at paglilihi eh. Sobrang stressful kaya mag isip ng kakainin mo na gusto din ni baby sa loob, tapos lulutuan ka pa ng hindi mo gustong ulam?! Kahit nga mga prutas hindi ka mabilhan eh. Jusko!

Magbasa pa

nung 8mons preggy ako saka naman ako nag kabulutong, haaays grabee hirap ko nun sobra skit at kati ng pakiramdam ko ilang gabi ako hinde makatulog at nilalagnat sobra hirap nakaka depressed kasi iniisip ko pano na pag labas ng baby ko na sana hinde rin siya mag kabulutong agad or mag ka kumplikasyo at sobra delikado😔 pero awa ng poong may kapal wala nmn gnun nang yare. malusog at healthy ang baby girl ko☝️😍😍😍

Magbasa pa

May subchorionic hemorrhage ako ngayon. Nag advised si OB ng bed rest. Ang nagpapalala pa,nalaman namin ni hubby na may TB siya. Kaming dalawa lang ang magkasama sa bahay. Madali na mapagod si hubby,lalo na siya lahat ang gumagawa ng gawain sa bahay. Medyo may pagka insensitive pa siya,sa tuwing umuubo hindi man lang magtakip ng bibig. Ang bahay namin malapit lang sa parents niya,pero parang walang pakealam ang side ni hubby.

Magbasa pa

Ang hardest na pinagdaanan ko ung sa hubby ko na impatient lagi...ung kapag nagkakamali ka or nag aaway kayo minumura ka at minsan pisikalan na...the rest ng pregnancy ko kaya ko naman so far sa awa ni Lord Hindi ako pinahirapan sa paglilihi ko at nakapagwork ako til 35weeks of pregnancy ko...thanks Kay Lord talaga..now 38 weeks na ako...Eto po praying for the safe delivery..

Magbasa pa

Yung skeletal ang work ni hubby. need nya magsideline. ako gusto ko mkatulong pero Hindi kaya kasi maselan pagbubuntis ko on my 2nd trimester, nagkasakit ako. naawa ako ky hubby kc ramdam kong nhihirapan na din sya. walang Rd.pero still thankful kc Hindi kmi pinababayaan ni lord. ok lng khit salat SA pera Bsta healthy lng MGA Bata.

Magbasa pa
TapFluencer

so far ngayon sa first trimester ko, yung mas naging acidic ako. wala akong prob sa lahat, magana pa din ako kumain, kaso di ako wedeng malipasan ng kahit saglit na saglit. masusuka agad ako. unlike before nung dalaga pako. keri ko pa din.ngayon hindi na. konting malipasan lang nasusuka na. kaya dapat may saging din akong makakain if ever matrigger yun.

Magbasa pa
3y ago

same