pregnancy

Marami nagsasabi na pag first pregnancy ay maselan at kailangan daw talaga ng pahinga o bed rest. Sa kalagayan ko 3 months pregnant po ako at nagtatrabaho bilang yaya. Hindi nawawala sa trabaho ko na magbuhat ng bata minsan pag may topak ung 5 years old ko na alaga binubuhat ko. Ano po pede gawin baka kasi may nangyayari sa baby ko pag nagbubuhat ako. Kailangan din po kasi magwork para makaipon. Ano po maipapayo nyo sakin? Thank u

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Alam na ng amo mo na buntis ka? Kailangan din alam nila sis para aware sila sa kalagayan mo. Wag mo na rin buhatin ang alaga mo baka makasama sayo yan. Hindi naman lahat ng first pregnancy maselan iba iba din kasi ang pagbubuntis. Mas maselan pa ang 3rd pregnancy ko kesa sa 1st ko. Basta kumain ka ng healthy foods at inumin mo vitamins na bigay ng ob mo. Kung wala ka naman nararamdaman na kakaiba at wala kang spotting ok yan wag ka mag isip masyado. Pero siyempre doble ingat na sa kilos ha.

Magbasa pa