My birth story ( may 14, 2020 )

Marami na ako narinig na kwento tungkol sa panganganak at kung gaano kasakit ang labor. Kahit dito sa TAP marami na din akong nabasa. Sabi pa nga nila parang tumatae ka lang daw ganon ang feeling. Dapat relax lang daw ako at lakasan ko ang loob ko. 12:30am ng MAY 13,2020 biglang nakaramdam ako ng pananakit ng puson. Mild lang naman 40 weeks na ako that time. Ilang minuto pa lang nakakalipas may lumalabas sakin na tubig. Akala ko naihi lang ako, punta agad ako CR nun. Tapos nagtuloy tuloy ang agos ng tubig. Naisip ko baka yun ang sinasabi nila na panubigan. Dali dali ko ginising asawa ko. To make the long story short pumunta na kami ng lying in. Pagdating dun 2cm pa lang, pinapauwi pa ako. Sabi ng asawa ko mahirap ho ang sasakyan at nanghiram lang ho ako. Baka pwede admit nyu na po sya dito. So ayun na admit nga kami, pinahiga ako sa kaliwang side para daw mabilis umanak. Pinag diaper na din nila ako kasi tuloy tuloy ang tubig na nalabas sakin. 4 hours syang nasakit pero nawawala din a few minutes. Yung sakit kaya ko pang tiisin, parang dysmenorhea pa lang yung sakit. After 10 hours dalawang beses nila ako nilagyan ng prim rose sa pwerta. Tag anim so bale 12 yun lahat? yung feeling na sobrang sakit na tapos panay ie, panay lagay ng primrose.? another 3 hours 3cm pa lang ako. ? after 5 hours ulit lagay na naman ng primrose then nilagyan na din ako ng dextrose at tinurukan ng pampahilab. Mga ilang oras ang lumipas patindi na ng patindi ang sakit.Yung sakit na halos sumigaw na ako kasi di ko na kaya. Yung point na nakahawak ako ng mahigpit sa kamay ng asawa ko habang pinipisil ko kamay nya habang nasasaktan ako. Pawis na pawis na ako nun, pagod at puyat din. 22 hours na akong ganon tapos 6cm pa lang.? yung mga bagong dating naunahan pa ako manganak? dalawa na lang kami natitira na papaanakin dun. Parehas kami first baby namin. Nakita ko hirap na din sya e. Gustong gusto ko na makaraos, nag iiyak na talaga ako nun. Naiyak na din asawa ko sa sobrang awa sakin. Sabi ko sa midwife natatae na ako, so dinala na nila ako sa delivery room. Pagdating dun 6cm pa din daw? nilagyan na naman ako ng primrose sa pwerta. Nanginginig na tuhod ko nun at buong katawan. Sobrang sakit na talaga nasigaw na ako? 12:00 am na yun ng may 14, pinabalik nila ako sa ward , Hindi na ako makalakad nun kasi ang sakit na talaga ng puson ko nun. Naka strecher na ako binalik. Gulat asawa ko at kinakabahan na kasi di pa din ako nakakapanganak. Pag check naman ng heartbeat ni baby malakas pa din. Sabi ng midwife siguro umiinom ka ng vitamins noh? Sabi ko marami po. Sabi nya very good, kaya malakas si baby mo. Ilang oras kana nagla-labor malakas pa din heartbeat nya. Marami kana din discharge na tubig e. Tapos bigla nag brownout nun, habang natataranta sila dun ako naman umiiyak na talaga ng malakas. As in yung sakit parang gusto ko na lang sumuko. Pinakamasakit na naranasan ko sa buong buhay ko. Kasabay ng panginginig ng mga tuhod ko. Nanalangin talaga ako nun, hindi ko na talaga kaya. Pero gusto ko makasama ang baby ko. Tumahimik ako sa pag iyak, kasabay ng hilab inire ko ng inire kahit sobrang sakit. Yun may lumabas dalawang beses na parang naihi ako ng napakadaming tubig. Parang natatae na ako nun, inire ko pa din. Biglang nagkaroon na ng kuryente. Pinasok na ako ulit sa delivery room. Full cm na daw at nakikita na ulo ni baby. Hingang malalim Ginawa ko sabay ire ng mahaba. After 4x na ganon lumabas si baby. Sobrang sarap sa pakiramdam, kasabay ng pagpatak ng luha ko sa isip ko talaga thank you so much po lord? narinig ko iyak ng anak ko, napawi lahat ng sakit. Yung pagod,hirap at puyat napalitan ng excitement na mayakap ko na ang baby ko. Ang asawa ko nun nasa labas ng delivery room ( kwento nya) nag iiyak na sya nun e tapos nananalangin. ?sobrang touch ako dun, lalo na at sya lang ang kasama ko. Paglabas ng delivery room tuwa ng asawa ko nung nakita nakaraos na ako. Yung kasabayan ko mag labor hindi pa din sya nanganak that time, kinabukasan pa po ulit ng madaling araw. Kung ako 24 hours naglabor, sya naman 2 days ? sobrang kawawa po sya. Hirap na hirap, tinuruan ko sya kasi nakikita ko sarili ko sa kanya. As in primrose at dextrose tapos turok ng pampahilab ilang beses? pero wala pa din po, stock sya sa 6cm. Hanggang nung madaling araw nga umanak sya, patay yung baby nya. ?di kinaya humina ang heartbeat, wala daw syang kahit ano na ininom na vitamins. Wala din check up kahit isang beses. Kaya po sa mga pregnant na mga mommies dyan, please po take your all vitamins at palagi magpacheck up. Sobrang importante po na strong si baby at healthy. Kawawa po talaga sya, magang maga po ang mukha nya nun at halos hindi makakilos.? tapos lahat ng sakit at hirap ang ending hindi nya makakapiling ang baby nya? hindi po kasi sya marunong umire. Tinuturuan ko na nga sya e, kahit asawa ko pinapanalangin din sya kasi naawa na talaga sya. Ngayon alam ko na po yung dapat gawin kapag manganganak. Mas maingay ka mas masakit, mas nilalabanan mo yung pain at hindi mo iniire ng paunti unti habang nahilab' mas tatagal ka mag labor. Bukod sa panalangin sarili mo lang din ang maaasahan mo. Bibigyan ka ng panginoon ng lakas pero ikaw ang gagawa ng ikakaraos mo. Tulongan mo sarili mo at wag mong isipin na hindi mo kakayanin. Napahaba na po ang kwento ko? basta po sa mga manganganak dyan, good luck and god bless po mga mommies? kaya nyu yan.

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats mommy. Totoo sobrang sakit ng induced labor buti mabilis lang sakin parang dalawang oras lang tas nanganak nako, mataas po pain tolerance ko kasi kahit 6cm nako wala parin akong nararamdaman kaya nainduced din po ako. Sa mga soon to be mom wag po kayong matakot kayang kaya nyo po yan.

Ako 2days and 10hours po me naglabor 2am ng madaling araw na ako naka anak.. sobra sakit at hirap...pero ikw lng tlga tutulong sa sarili mo... Hirap din ako umire halos jinombag nako ng assistant nurse mailabas lng si baby...

Congrats ate. San ako din mabilis na mangnaak gusto kona din kc manganak sobrang hirap nang walang masakyan. 38weeks nako kaso 2cm plang at sobrang sakit ma I.E halos gusto kona maiyak.

habang binabasa ko sya naiiyak ako na ewan😢 7 months pregnant din po ako at the same time my halong kaba at takot ako habang papalapit na yung due date ko. First baby ko din po

Congrats mamshie! Strong ka,kaya strong din si baby mo! 😊 Sana ako,at lahat ng mga mamshie dito na manganganak,maging maayos din ang panganganak 😊🙏

Tumulo luha ko momsh😅 sana lang talaga hindi ako mahirapang manganak natatakot ako pero winawala ko lang para ky baby FTM din ako this june ang duedate ko.

5y ago

Hindi po dapat tinitigil pag inom ng prenatal vitamins po hanggat walang advise from your OB or midwife.

Oh my god sis naiyak naman ako but at the same time na takot FTM. Ako and im 7months pregnant binabasa ko lng story mo biglang tumulo luha ko😓

Oh my god sis naiyak naman ako but at the same time na takot FTM. Ako and im 7months pregnant binabasa ko lng story mo biglang tumulo luha ko😓

Momsh mas masakit pa po dyan ang makunan kakaiba po yung pain ng labor not once but 3x..mas gugustuhin ko manganak kesa makunan

Kamusta naman ung 3days akong nag le-labor. Induced kasi ako. Lol. 😂😂😂 buti nalang strong si baby.