MY LABOR AND DELIVERY JOURNEY

Nov 4, 2020, 6:30 am naglalakad ako sa loob ng subdivision, back and forth lang. Then 7:15 am napaisip ako na uuwi na ako dahil maghahanda pa ako ng baon ng asawa ko sa work. Pero naglakad ulit ako ng isang balik pa. Tapos nung pabalik na ako sa bahay saka may lumabas sakin mainit na tubig tuloy tuloy ang agos, sakto nandon yung kapit bahay namin na matanda sabi pumutok na panubigan mo manganganak kana, kaya hinatid nya ako sa bahay. Pagdating ko sa bahay, wala pa si mama tinawag pa para umuwi, so ayun pagdating ni mama punta agad kami ng lying in, and IE ako kaagad, 2cm palang pero nilagyan ako ng diaper kasi tuloy tuloy agos ng tubig sakin, pinauwi kami at sinalpakan ako ng gamot sa pempem medyo masakit peri tiis lang hahaha sinagad kasi ng midwife gang cervix ata? Hahaha pag uwi namin lakad lakad ako, more squat at pinainom pa ako ng 3 itlog na sariwa tapos coke, pero no pain padin. Kinagabihan yun dun tumindi ang contractions pero every 20 mins interval. Naka idlip pa ako sandali, nagising ako ng 2am sa sakit ng balakang at puson grabe every 15 mins tapos naging 10mins nung mga 4-6am, nung nag 7am na hindi ko na kaya yung contractions tlagang gusto ko na magpadala sa lying in pero baka malayo pa yung cm kasi nakakaen pa ako, mga bandang 9:30 am every 2-3mins na yung sakit grabe talagang diko mapigilan umire kasi natatae ako. Naka 3 poops ata ako tumagal pa yung contract hanggang 10 am, tapos pag cr ko mga 10:15 am nun, edi iniire ko na talaga sa sakit parang may gusto ng lumabas, then syempre nag hugas ako ng pagtapos mag poops, at may nakapa na ako sa pempem ko. Sabe ko sa mother ko mama kapa ko na yung ulo. Dali dali na si papa magpatakbo ng trike halos bumisina ng busina nakakapit na ako kay mama kasi sabe nya wag ko daw muna iire. Pagdating namin sa lying in 10:20 am yun, pinaglakad pa ako ng ilang lakad para mas lalo bumaba si baby, nilagyan pa ako ng diaper ng midwife, pagkalagay sakin ng dextrose pagtayo ko sabe ko mama may napunit, ramdam ko na ulo ni baby sa singit ko 😂😂 grabe ganun pala yun ramdam kong may napunit. Paghiga ko kusa ng lumabas si bby boy ko hehehe hindi na ako umire kasi dre dretso na sya, kasabay ng panubigan ko. Oonga pala hindi ako naubusan ng panubigan kasi kambal tubig daw ako sabi ng midwife, na totoo naman kasi paglabas ni bby ko ay sabay agos ng tubig. Thanks Lord nakaraos ako yun ang nasa isip ko pero di ako makapag salita kasi nashock ako sa pangyayari, nung inihiga na sa tyan ko si baby, pinahawak din sa asawa ko, nakita ko napaluha pa sya, pero ako di makapag salita. Nakapag salita ako nung tinatahian na ako grabe ang sakit pero maliit lang daw yun. Naka apat na turok sakin anesthesia pero wa epek hahaha. Nakaya ko naman lahat. Dasal at tiwala lang sa ating Panginoon makakaraos ng normal at safe delivery. Lagi nyo din kausapin si baby☺ JOHN MARVIN D. BORAL EDD 11/09/2020 DOB 11/05/2020 TOB 10:24 AM 3.5 kLs. #1stimemom

MY LABOR AND DELIVERY JOURNEY
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Congrats po mommy 😊 pansin ko lang po may powder sya sa tabi.. Wag muna sana lagyan si baby or better ask your pedia kung ok lang. Normally kasi, hindi muna nilalagyan ng powder mga newborn 😊

4y ago

ay mamsh hindi ko talaga nilalagyan si baby, may pamahiin lang po lang po si ate na ilagay sa tabi nya yung powder para di sya magligalig sa gabi or sa hating gabi🤗