Marahil kakaiba ang ibabahagi ko sa grupo. Mahaba mahaba sya. 2 anak ko ay 7yrs old and 9yrs old. Malaki na sila Yes. Pero baby ko pa din sila. Both of my children was diagnose of ADHD. Sabi ng Dep'Ped nila behaviour and emotions lang yung kanila. IQ wala problem. How they are diagnosed? Sa panganay ko, proud kme sobra. Nung baby sya. Advance lahat ang pinakikita nya. 6months old she can identify letters even can say the sound. 9 months numbers. Pero pansin nmin fleeting eyes sya, organized sya maglaro. Akala nmin baka kse nakikita nya na lagi ako nag liligpit ng kalat. Mas gusto nya books kesa toys. Super d mapakali sa isang lugar. Sabi nmin normal yan, Dora Explorer lang. So sinabi ko sa pedia nya yun. Sabi nya observe muna nmin. Nag 2yrs old sya. Get worst. Sabi nmin baka terrible 2 kse. Pero sabi ng Pedia nya visit a Developmental Pedia. So nag pa schedule na kmi. Sabi sa amin. Very Smart and Mataas ang cognitive nya on her age. Kami naman proud sobra. But she was diagnosed with Hyperactivity disorder (ADHD) and Autism spectrum disorder (ASD). Parang gumuho mundo nmin nung narinig namin yun. Bakit nagkaganun anak nmin. San ako nagkamali? In denial kme. Baka mababago yan. Tinayaga ko syang talaga ma control. Feeling ko nun napaka incompetent ko na mom. So My hubby and I decided na pa Occupational Therapy sya. Thank God lagi ng development ng Behaviour nya. And na rule out and ASD. Same Goes with my Bunso, Expected ko magkakaron sya ng diperensya. I was diagnosed of Ovarian Cancer stage 1 pero need na alisin ang right ovary kse cyst 6.8 ang laki na sya tapos mas leak na. Need ng emergency operation 5wks pregnant pa ako. Sa ultrasound magkatabi yung fetus at ung ovary na tatanggalin. Pero napanganak ko syang normal at super cute! Nakitaan din sya ng same symptoms like her ate. Dinala nmin sa Dep Ped. Sabi sa amin mimic behaviour. Kse nakikita sa ate nya. As she aged, mas grabe likot nya sa ate nya. D din mapakali. Diagnosed din sya ng ADHD.
I experienced lots of judgement, incompetent mom ako, d marunong mag alaga ng anak o disiplina, at iba pa. Masakit lang yung narinig na sabihan 2 anak ko Abnormal. Halos gumuho mundo ko para sa kanila.
Isa lang nagpapalakas sa akin. Malambing at Matalino silang 2. Kahit tinutulungan nila Classes, nakakasagot pa din sila. Honor student sila. Syempre d ko kinukunsinti matulog sila sa class.
Pero di ako sumuko. I give up talaga social life kht lumaki na sila. Total guidance. Lahat ng tinuturo sa akin ng OT teacher nila inaapply ko. Ngayon malaki na improvement nila. From all the sacrifies, worth it naman. Ngayon as they grow old, unti unti they will be more independent. Need lang maging matapang para sa kanila. Lagi good communication and need nila mag isip at mag decide para sa sarili nila. Little by little..
They will always be my babies.
Honey Quiambao-Iresare