Kinukumpara sa MIL na OC/Malinis na bahay

Mamshies, sino dito ang may panganay na nag-aaral na at may infant? Then work at home na walang helper at yaya? Nalilinis niyo pa ba ang house niyo? Medyo nakakainis na kasi asawa ko. Kinukumpara ako ng kinumpara sa nanay niya noon na kesyo tatlo pa raw sila ng mga kuya niya noon pero malinis daw bahay nila. Sabi ko nga, ilang taon yung naaalala niyang yun. 3 yrs old daw siya. Kako, kapag 3yo naman talaga makakakilos kilos na sa bahay. Pero yung 1 yr old below na di pa nakakalakad tapos breastfeed pa, iba e diba? Tapos naisip ko, puwedeng yung nanay niya e may napag-iiwanan sa kanila noon. E ako, kahit mamalengke o saan magpunta, bitbit ko dalawang anak ko. Nakakairita lang ikumpara e puwedeng iba naman yung sitwasyon ng nanay niya sa kin. Isa pa, OC yun masyado. Ni hindi nga ata sila pinapasyal nun noon. E sa akin ms importante yung time ko sa mga bata. Wala rin trabaho nanay niya noon, ako meron. Haist! Nakakawalang gana. Pagod na pagod ka na araw-araw, ikukumpara ka pa. :(

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Hamunin mo momsh. sabihin mo try nya na maiwan mag isa kasama dalawang bata. Tapos kelangan makapaglinis din siya ah, as in gawin nya lahat. Baka kalahating minuto pa lang sumuko na yan.