SAMGYUPSAL

Hi mamshies, palabas po ng sama ng loob... nakakita ako ng magandang kainan sa tondo, samgyup. Kaya tinag ko mister ko. Ang kaso sabi nya sakin, mag isa daw akong kumain. Okay naman kami kaya nagulat ako nung nagchat sya sabi nya mag isa daw akong kumain. Ayaw nya daw kumain don for some reason. Edi kinulit ko sya kung ano ba nga ang dahilan. Sabi nya nakakainsulto daw ako kase kaya ko daw gusto kumain sa isang samgyupsal resto kase namimiss ko raw ang ex ko. Dahil daw namimiss ko mga ginagawa sakin ng ex ko. Nasaktan ako kase gusto ko lang naman kumain, kung bakit ganon anh reaksyon nya. Sabi nya pa sakin napakasinungaling ko daw talaga at ipapakain nya raw sakin yung picture namin ng ex ko nung kumain kami sa samgyup. Lintek 3years ago na yung samin ng ex ko and still ganon sya. Kinasal kami dec 8 2020. Ay preggy ako ngayon, 13 weeks. Based din sa ob ko, mahina kapit ni baby at sobrang mababa na daw. Ayokong maistress pero bakit naman kasi ganon.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

In some reason, bakit mukhang stressed ata mr mo mommy. Give him some time at let it pass muna. Minsan talaga may pagkakataon na ganyan, na pag matagal na kayo magasawa, biro na lang yun. Kaso mukha si mr mo may insecurities sa ex mo. If ayaw niya at nagreact ng ganyan, hayaan mo na. Palipasin mo na. Dont be an issue or get bothered about it. 😉Plus buntis ka, hormones natin momsh, baka lumaki pa mga maliit na bagay.

Magbasa pa