hanggang saan ka dapat tumulong

Hi mamshie out of topic sorry just want to know your thoughts. Kinasal kmi ng husband ko this year lang and with the blessing of God nabuntis agad ako but due to sensitive pregnancy napilitan ako magresign. Dito na pumasok ang problem. Si hubby ay panganay sa 8 magkakapatid. Before nakakapgbigay sya sa family nya kasi hati kami sa bayarin sa bahay (nakabukod po kami) but now kc sagot nya lahat since resigned na ako. Hindi na sya nakakapagbigay and nakakalungkot lang na hindi un naiintindihan ng family nya. We are receiving texts and chats na need nila ng budget and others. Never naman kami nagdamot sa family nya. Nagbibigay din naman ako sa family ko but nung nagresign ako hindi na at naintindihan naman un ng family ko.. Need din namin kc magipon sa panganganak ko.. Nakakalungkot lang..

7 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy! I have the same condition with you..panganay din si hubby, since on leave ako for months due to high risk pregnancy, si hubby lahat gumagastos..si MIL parati humihingi ng money sa kanya, even some of his brothers, however, matapang lang cguro si hubby para ipa intindi ung situation sa kanila na hindi na basta2 mkakabigay sya ng pera due to our present set up... sabi nga ni hubby, family first, i mean ung family nyo muna unahin ninyo.. dont think of your in laws..the fact na nagpakasal kayo, alam dapat ng parents na ikaw na ang first priority and second na ang parents..do not stress your self.. just do what you think is right.. kapag my sasabihin sila at your back, nevermind or try to explain well sa kanila ang present situation ninyo... hopefully makakaintindi din sila..

Magbasa pa

Bunukod talaga kami ni hubby sa family nia kasi soooobrang magastos family nia. Worried lang ako pagdating ni baby and gusto ni hubby pansamantalang makikituloy sa bahay ng fam nia after ng maternity leave ko para makatulong sila sa lag aalaga ke baby since di ko maalagaan si baby dito sa bahay namin (ldr man kami during weekdays, weekends lng kami ngssama) . Ayun, worried ako na ttaas gastos namin pag don sia titira sakanila... Grrrrr

Magbasa pa
VIP Member

Momsh, same situation ako ng hubby mo. Pero kinausap ko papa at mama ko na may pamilya na ako at sila yung priotrity ko. Kung may extra ako, hindi naman ako magdadamot at magbibigay naman ako. Good thing naintindihan naman ng parents ko. Actually, sila nga minsan ang nagbibigay sakin kung meron sila. Give and take and understanding nalang po. Hindi naman po kasi obligasyon ng hubby mo ang parents niya. Pakausapan nalang po sila momsh..

Magbasa pa
VIP Member

Baliktad naman po tayo ng sitwasyon. Ako po kasi ang panganay samin then nagresigned ako sa trabaho at yung partner ko lang ang nagwowork para samin. Ang problema ko, umaasa parin mama at mga kapatid ko sakin. Kaya yung allowance namin ni baby minsan nabibigay ko pa sa kanila. Kaya yun ang kinasasama ng loob ng partner ko. Minsan di ko na alam kung anong ipapaliwanag ko sa kanya kasi nagagalit na talaga siya sa pamilya ko.

Magbasa pa
5y ago

Always remember kapag may own family na po tau ang number 1 priority natin is ung own family natin

Same situation po mamsh. Panganay din po lip ko. At yung sustento po niya sa pamilya lagi naming issue. Dati rin nung hindi pa ako ng resign e hinahayaan ko lang sya magbigay sa kanila kc ganon din ako. Pero nung wala na akong trabaho panay hingi pa rin ng pamilya niya. E gusto ko lang naman sana na saka nalang pag nakapanganak na ako at nakabalik sa trabaho magbibigay ulit kc pra makaipon sa panganganak ko.

Magbasa pa
VIP Member

Kakalungkit talaga pag panganay. Pasan pasan lahat... Ipaintindi mo nalang sa fam ng hubby mo or pag usapan nyo kung paano nyo papaintindihin sa fam niya na medyo mababawasan muna tulong niya financially since nag iipon na kayo mag asawa for the baby and since siya nalang nagtatrabaho sa inyo. Open up po kayo sa fam niya

Magbasa pa

Hindi naman masama mag bigay Lalo na kung may sobrang budget pero kung wala sana intindihin nalang nila . lalo nat may pamilya na.