Problem need advice π’
hi mamsh.. going 4months pregnant normal b sa isang buntis na pakiramdam ay laging pagod at hapo kahit wla naman masyado ginagawa? ganun kasi palagi kong pakiramdam pero nagagalit yung live in partner ko kasi wla akong ginagawa na gusto ko palagi nakahiga lang ako βΉ kakauwi nya lang kasi galing sa province nila bale 3months akong mag isa lang dito nag titinda para may kita ako kahit papano kasi sya wala namang trabaho nakikitira lang kami dito sa ate ko libre lahat kaya nahihiya nga ako na pabigat pa kmi lalo ngayon buntis pa ako π pinipilit ko mag trabaho nalang dito ung partner ko para makabukod na kmi pero d sya nakikinig kasi gusto nya parin tuparin pangarap nya na mag seaman. d naman ako againts don pero pinapakiusap ko sa knya na kahit panimula lng namin kasi puro sya sabit sa medicals nya kaya d parin sya makaalis alis kaso iniiisip nya hinahadlangan ko lang ang pangarap nya π ngayon nagalit sya sa akin kasi ang aga ko pumasok sa kwarto na dapat hanggang 12 pa ako ng madaling araw magtitinda eh kaso sumasakit kasi balakang ko at likod ko pag matagal naman akong nakaupo lang π ang sama sama ng loob ko ngayon d ko alam parang kumuha lang ako ng bato na ipinukpok sa ulo ko πmahigit isang taon na kmi live in nung mga buwan na wla pang pandemic ok naman buhay namin kasi nakakaupa kami ng bahay kasi nag susuporta pa noon ang ex ko para sa anak namin eh kaso ngayong May namatay ang ex ko at nawalan na ng suporta ang anak ko sa una, nawalan kmi ng pang upa man lang kaya napilitan kmi makitira dito sa kapatid ko ππ stress na stress na ako ang dami kong naiiisp na masamang bagay pero ayaw kong gawin kasi ayaw ko magkaroon ng kasalanan.. wla ako makausap wla ako mapag labasan ng nararamdaman ko kasi maski magulang ko wla dito ππ hanggang iyak nalang ako palagi ππ