Ano'ng unang word ni baby?

Mama? Papa? Dada?

Ano'ng unang word ni baby?
269 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

share ko kang ang first word na nasabi ng panganay kong anak. Lahat ng mga kasama ko sa bahay "ann" ang tawag sakin. nasa 6months old ang anak ko nun. nasa duyan siya at tulog at ako naman nakahawak sa phone ko. maya maya umihi na siya. senyales na gising na siya. So di ko muna sinilip kasi di pa naman umiiyak. minsan kasi natutulog siya ulit. malalaman kong gising na siya pag gumagalaw na siya. nakahiga lang naman ako sa ilalim ng duyan niya. then laking gulat ko nang nagsalita siya. sabi niya "ann.. ann.. ann.." sobrang tigas ng pagkakabigkas hahaha. it was the first time na binigkas niya yun. sinilip ko siya sabay ngiti sa kanya ngumiti din siya din siya habnag mulat na mulat ang mata. takgang gising na siya at tinatawag nalang ako. kinarga ko siya at pinugpog ng halik kasi di ko ineexpect na yun ang unang word na masasabi niya instead na mama hahaha. btw, she's now 7 years old and 4months. pero sariwa parin sa alala ko ang first word niya hahaha. she's still sweet and lively 😊😊

Magbasa pa
VIP Member

Unggee. Hindi ko alam saan niya nakuha yung salitang yun 😂😂. Hanggang ngayon yun ang tawag niya sakin minsan gee. Tawag kasi ng mga kapatid ko kapag nakavc kami is gail. Kapag natyempuhan naman mama 😂😂

"Ha"-Hollie po name ng dog namin😭 Yung todo expect kami na either dada or mama ang unang word nya,pero mas nauna pa nyang tinawag yung elder fur sibling nya😅

VIP Member

She pronunced "Dadeee" but later on nawala yung pagsabi niya ng ganun. baka tsamba lang. pero ang talagang lumalabas parati sa bibig niya ay "Um-mi" which is mommy.

I think Nay yung pgkakaintindi ko sa sigaw ng baby ko nung 4mos sya..😊Kasi nanay at tatay ang gustong tawag ni hubby.

Mama. Paglabas nya pa lng, ung iyak nya nabigkas nya ang mama. Gulat nga kami pati mga midwife na nagpaanak saken.

At-at-at ( gustong gusto Niya Kasi Yung boom tarat tarat.)

VIP Member

1st baby ko "nanay" my mother in law 2nd baby "mama" my mama 3rd baby sana "mommy" ako na! Hahaha!

VIP Member

nini - he calls me this when he was little. bulol version of dede since breastfed kami ❤🤣

VIP Member

Appa 🤦🏼‍♀️🤷🏻‍♀️