Teen pa lang po ako
Malapit na po mag four months tiyan ko di pa po ako nag papacheck up,ok lang po ba yun? Nahihiya po kasi ako baka pag tawanan lang ako.#1stimemom
SKL. I was 16, year 2003, nung napreggy ako kay first born. 17 na ako nung nanganak ako sa kanya. I feel you anak, (since parang anak na kita sa age mo) na nahihiya ka at lahat ng naiisip mo ay pwedeng naisip ko din at naramdaman noon. Ang ginagawa ko pa noon, nagsusuot ako ng cap, nakamalaking mga damit sinusuot ko, at isa sa ginagawa ko is hindi ako tumitingin sa ibang tao everytime magpapacheckup ako. Ibig sabihin, although may hiya akong nararamdaman, nagpapacheckup pa rin ako since first trimester binabalewala ko na lang ang mapanghusgang tingin ng iba. Ang priority ko is yung matawag ang pangalan ko at makapasok sa room ng ob para macheckup na ako. Naka 3 shots pa nga ako ng Anti TT vaccine sa pregnancy ko na yun at naipanganak ko ng maayos ang first born ko na healthy baby boy (turning 18 in Dec.). Wag mo pansinin ang judgment ng iba. Yes, bata ka pa pero may responsibilidad ka na sa kanya at magsisimula yan sa prenatal checkup. Wag kang matakot. Pasama ka kay mommy mo, bf or sa kung sino pwedeng magbigay ng lakas ng loob sayo. Kaya mo yan. Magpacheckup ka na ha? Goodluck for being a first time mom❤️
Magbasa paPacheck up ka na as soon as possible. Mahalagang maalagaan kayo ni baby. Tsaka alam mo, kahit anong gawin mo sa buhay, may mga tao talagang mag cocomment. Mag-anak ka, may magko-comment. Childfree? May makikialam pa rin. Breastfeed? May masasabi pa rin yan. Formula fed? Makikialam pa rin sila. Ngayon na buntis ka na, baka makarinig ka ng kung anu ano tungkol sa bump mo, sa parenting style mo, sa lahat lahat. Kahit anong mangyari, do what you need to do. Let them talk, hanggang dyan lang naman sila. Ang mahalaga, ginagawa mo yung tama.
Magbasa paHello mommy. magpacheck up ka na po, hindi pa huli ang lahat. Huwag mo isipin ang sasabihin ng ibang dahil d yan makakatulong sayo at sa magiging baby mo. Ako nga, nagpakasal ng maaga tapos nabuntis, responsable pa nga ang asawa ko madami padin nasasabi yung mga taong busy sa buhay ng iba. Kaya gawin mo yung alam mo ay tama para d ka magsisi sa huli. Ang mga taong pakialamera, wala yang mabibigay na vits. ,bibigyan ka lang nila ng stress kaya hayaan mo sila. Don't mind them
Magbasa pai'm 22 years old ,una nahihiya din ako dami kong iniisip na negative ganon ganon tapos sa una kong pinuntahan parang tinawanan nila ako yung nakakainsulto ang tawa nila habang nakatingin sakin kaya umalis ako di ako nagpa check up don, sa iba ako nagpa check up pagdating ko sa lying in dina ako nahiya diretso sabi "pacheck up po" lakas pa ng boses ko don sinabi ko lahat lahat and gang ngayon nawala na hiya ko iniisip ko ang baby ko.
Magbasa paNaku mamshie wag intindihin ang sasabihin ng iba hindi yan makakatulong sa Inyo ni baby. Nasa huli lagi pag sisi kaya ngaun palang gawin ang tama. Be proud blessings yan di dapat kinakahiya. Nandun na tau na bata ka pa nag ka anak pero nandyn na yan. Walang kasalanan ang baby mo para mag sacrifice sya. Need nya ng nutrients and check up wag u ipagdamot sa knya. Ngaun palang start na maging matured kasi mag kaka baby kana🙏❤️
Magbasa pawag ka palamon sa hiya mo ne. isipin mo yung kalagayan niyo ni baby hayaan mo na opinyon ng iba. madami na rin namang teen moms ngayon parang normal nalang sa iba, tho may ibang tao na iba pa rin ang tingin. may this serve as a lesson to other teens sana lalo sa mga takot sa responsibilidad. sorry may konting lecture. basta sa ngayon yung health niyo ni baby ang importante hindi ibang tao
Magbasa pawag ka mahihiya. mas nakakahiya yung unahin mo ang hiya mo kesa sa kapakanan ng baby mo. hindi mo naman sila kaano ano. wala kang responsibilidad sakanila. kapag meron kang narinig sakanila, labas lang sa kabilang tenga. wag kang paaapekto kasi maraming tao sa mundo na ang kaligayahan ay yung makasakit ng damdamin ng iba.
Magbasa panung bumukaka hindi nahiya,😁✌️ ngayong may laman na at kailangan mag pa check up para malaman ang lagay ng baby nahihiya na😅.. hay naku nmn! 🤦 wag mahiya... wag mong intndhn kng hhusgahan ka nila, wag ka mag pa apekto, ang isipin mo yung health mo at baby mo sa tummy mo.. i set aside ang hiya girl okay?
Magbasa paWag ka mahhiya isipin mo lang para kay baby yang gagawin mo for your safety naren para alam mo kung ano ang do's and dont sa pag bubuntis at mabigyan ka ng vitamins din. Wag mo isipin ang sasabihin ng ibang tao wala naman silang ambag sa buhay mo. Ginawa mo yan lusutan mo. Tama ba? Be strong. 💪💪💪
i suggest na itry mo munang wag magpasama sa kahit kanino. try to handle it on your own muna kasi baka pati sa kasama mo mahiya ka din.since matagal na tyan mo, sabihin mo lahat ng nararamdaman mo as much as you can. kung di mo talaga kaya magisa, tsaka ka magsama sa next check up mo.
Mumsy of 1 sweet superhero