Teen pa lang po ako

Malapit na po mag four months tiyan ko di pa po ako nag papacheck up,ok lang po ba yun? Nahihiya po kasi ako baka pag tawanan lang ako.#1stimemom

32 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pacheck up ka na as soon as possible. Mahalagang maalagaan kayo ni baby. Tsaka alam mo, kahit anong gawin mo sa buhay, may mga tao talagang mag cocomment. Mag-anak ka, may magko-comment. Childfree? May makikialam pa rin. Breastfeed? May masasabi pa rin yan. Formula fed? Makikialam pa rin sila. Ngayon na buntis ka na, baka makarinig ka ng kung anu ano tungkol sa bump mo, sa parenting style mo, sa lahat lahat. Kahit anong mangyari, do what you need to do. Let them talk, hanggang dyan lang naman sila. Ang mahalaga, ginagawa mo yung tama.

Magbasa pa