Teen pa lang po ako
Malapit na po mag four months tiyan ko di pa po ako nag papacheck up,ok lang po ba yun? Nahihiya po kasi ako baka pag tawanan lang ako.#1stimemom

SKL. I was 16, year 2003, nung napreggy ako kay first born. 17 na ako nung nanganak ako sa kanya. I feel you anak, (since parang anak na kita sa age mo) na nahihiya ka at lahat ng naiisip mo ay pwedeng naisip ko din at naramdaman noon. Ang ginagawa ko pa noon, nagsusuot ako ng cap, nakamalaking mga damit sinusuot ko, at isa sa ginagawa ko is hindi ako tumitingin sa ibang tao everytime magpapacheckup ako. Ibig sabihin, although may hiya akong nararamdaman, nagpapacheckup pa rin ako since first trimester binabalewala ko na lang ang mapanghusgang tingin ng iba. Ang priority ko is yung matawag ang pangalan ko at makapasok sa room ng ob para macheckup na ako. Naka 3 shots pa nga ako ng Anti TT vaccine sa pregnancy ko na yun at naipanganak ko ng maayos ang first born ko na healthy baby boy (turning 18 in Dec.). Wag mo pansinin ang judgment ng iba. Yes, bata ka pa pero may responsibilidad ka na sa kanya at magsisimula yan sa prenatal checkup. Wag kang matakot. Pasama ka kay mommy mo, bf or sa kung sino pwedeng magbigay ng lakas ng loob sayo. Kaya mo yan. Magpacheckup ka na ha? Goodluck for being a first time mom❤️
Magbasa pa

