Malapit na ko manganak. Plan ko magstay muna sa parents ko pagkapanganak. Nasa 3rd floor kasi yung bahay namin ni hubby and sister niya lang kasama namin. Pareparehas kami di marunong magalaga ng bata, lalo new born. At least sa bahay madami tutulong sakin. Ang kaso, ayaw ni hubby tumira dun. Pero magkalapit lang like 3 streets away. Nahihiya kasi siya. Pero gusto niya din na dun muna kami para matulungan kami nila mama. Ang gusto ni hubby dito parin siya matutulog sa house namin tapos pupunta puntahan niya nalang kami ni baby. Gets ko naman na nahihiya siya sa parents ko, tska madami kasing tao sa bahay namin.
Naiintindihan ko pero parang feeling ko unfair din kasi para naman siyang binata non kung nandun kami ni baby sa bahay ng parents ko tapos siya nandito. Kilala ko pa naman mga tropa niya ang hilig magsiinom. Di pa naman siya nakakatanggi, lalo siguro kung siya lang nandito.
Ano po ba magandang gawin mga mommy?