Please do not judge

Hello, may malalapitan po ba ako for legal adoption? I'm considering adoption for my baby. Please do not judge me ? pero as of now, I'm not capable of being a mother. I have severe depression and i think if lumaki si baby sakin, kawawa siya. Baka maabuse ko pa yung bata. I want my baby to be safe ? mahal ko naman baby ko, di ko kaya ipaabort. Pero as of now, i am not capable plus student ako. Ayoko naman itapon si baby sa basura huhu is there anyone here who knows how legal adoption works? Respect please

158 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

i will pray for you sis. madami pang pwde mangyari. Jesus loves you. Lahat ng bagay nangyayari nang may dahilan. sana maaga mong marealize kung ano ang tama at tunay na mahalaga bago mo pagsisihan ang lahat... naniniwala aq makakaya mong mging mabuting ina s anak m. napapangunahan ka lang ngaun ng takot at doubts..d fact n gsto mo p ding ituloy ang pagbbuntis at inaalala m lang kasi ang magging kalagayan sayo ng bata kaya naiisip mo na ipaampon na lang.. isa kang nagmamahal na Ina sa kanyang anak. nassabi mo lng n d mo p kaya or baka masaktan mo lng ang anak mo kasi yan ang iniisip mo... sana wag mo pagkaitan sarili mo n maranasan ang hiwaga at milagro ng Diyos s buhay mo at s mgging anak mo...di ka Niya pababayaan. marami nagmamahal sayo at tutulong. magtiwala ka lang. mas nakakabaliw ang mawalay sa anak... maabot mo man cgro ang mga nais mong makuha at magawa s buhay kapalit ng pagpapaampon s dugo at laman mo di ka parin magging masaya kasi alam mo sa sarili mo may responsibilidad kang tinakasan. aq kapatid ko na special. mentally challenged.. na rape at nabuntis.. pagbubuntis palng hirap n kami kasi nagwawala ang kapatid ko everytime nagtatantrums sya.. naisip nrin nmin maghanap ng aampon or tinatanggap n nmin s sarili nmin n kami n ang mag aalaga.. sa awa ng Diyos normal at malusog c baby. 2 yrs old na ngaun. ung kapatid q n special khit mnsan may sumpong d nya ngawang saktan ang anak nya. ngging normal n sya mag isip. For God nothing is impossible. im a mother of 1 yr old boy. maganda n work q nasa punto n aq ng pangarap ko pero mas pinili q ang pagiging ina. iniwan q lahat. my family. friends. i embrace my responsibility as a mother.. oo mhirap pero d kayang pantayan ung saya kapag kasama mo anak mo at nakkita mo paglaki nya.. Hiwaga ng buhay.priceless. wag ka sana matakot. magpakatatag ka. walang anak na gustong lumaki sa hindi nya tunay na magulang. walang magulang na naging proud pa na pinaampon nya ang anak nya. sana time will come yang problem m n yan magging inspirasyon sa iba.

Magbasa pa

Hi sis sana kapag nabasa mo ito ma enlighten ko yung isip mo kahit paano halos same kasi tayo ng situation.gusto ko rin pa adopt yung baby ko before kasi gaya mo student din ako 16 yrs old ako nung tym na mabuntis ako tapos hindi pa ako pinanindigan ng lalaking nakabuntis sakin,plus yung parents ko itinakwil ako samin dahil hindi nila tanggap yung nangyare sakin. halos mabaliw ako that time wala akong malapitan na kahit na sino depressed na depressed ako nun,kahit yung pamilya ng bf ko ayaw samin ni baby.Namuhay akong magisa kung ano anong trabaho yung pinasok ko para lang mabuhay,hanggang sa makapanganak ako sa baby ko. Pero dahil sa sobrang depressed ko that time dahil sa sobrang hirap narin ng buhay naisipan kong ipa adopt nalang yung baby ko sa isang magasawang mayaman na gustong gusto amponin anak ko.Buong buo na decision ko that time na ibigay sa magasawa yung anak ko pero nung time na ibibigay ko na si baby bigla nagbago isip ko kinuha ko ulit yung anak ko.Sa isip ko hindi ko pala kayang mabuhay na wala yung anak ko,hindi ko kayang makita na iba yung kinikilala niyang magulang. Ngayon I'm proud to say na naging tama yung desisyon ko na hindi siya ipa adopt dahil kahit magisa lang ako kahit mahirap ang buhay nagsumikap ako kung ano anong trabaho pinasok ko mabuhay ko lang yung anak ko. ngayon 7yrs old n siya Ramdam ko kung ano yung pinagdadaanan mo ngayon sis dahil gaya mo pinag daanan ko din yan mas grabe pa.pero sana pagisipan mo ng mabuti yung mga bagay na gagawin mo.kasi ngayon nasasabe mo na ayaw mo sa anak mo pero once na nailabas mona siya magbabago yang isip mo sis.

Magbasa pa

Hi :) I am a product of an unwanted pregnancy kaya ako at ang little brother ko pinaampon. Nagkahiwalay kami for 26 years. 21 years old na ako nung nakilala ko ang biological family ko and 26 ako nung nagkakilala kami ng little brother ko.. hindi ko masisi ang biological mom ko sa nangyari. For me, tama ang naging desisyon nya sa panahon na yun. She was stuck in a situation na naging victim sya and giving us up was the best thing she could do to save us. Naintindihan ko sya kaya okay kami ngayon :) If you think this is the best thing for your kid, please do it. :) Idaan mo lang talaga sa legal na proseso para maayos ang evaluation sa mag aampon ng anak mo. Hopefully your baby will have a beautiful home na alam mo na he/she will be safe. Sa mga harsh mag comment jan: Not all adoption stories ay dahil sa kapapabayaan ng ina... hindi yun dahil lang sa landi na hindi napapanindigan... please don't judge. Depression is a very difficult battle you know nothing about unless you get to taste it yourself. Yung depression na hindi self diagnosed, yung clinically diagnosed talaga. Another thing, you dont know her story. For sure, she has a good reason for this decision na hindi na natin dapat malaman dahil di naman tayo ang mga tamang tao na dapat idiscuss this with in detail. Yun lang. Ate, you'll be fine. This is not an ideal solution but I believe this is the best solution for now.

Magbasa pa
5y ago

Thank u po. Huhuhu di kasi nila maintindihan na i'm just doing this for my baby's own sake. I would want an open adoption nga eh for me to be able to see my baby grow. Alam ko na magiging thankful siya someday, parang ikaw din sa birth mom mo. Thank you for sharing :)

Naisip mo din ba na. What of saktan din yung baby mo nung mga taong nagadopt sakanya? We can't say na lahat ng nagaampon e mababait. For you own sake lang ang gusto mong mangyari, why not try to tell to your parents regarding sa situation mo? Malay mo diba matanggap nila, hindi yu ng dami mong kuda na magagalit papa mo kasi pinag-aaral ka sa exclusive school kemerot na yan. And ok naman pala kayo ng father ng baby mo pero bakit parang one sided decision lang ang ginagawa mo? Why not ask your boyfriend side? Selfish ka, sabi mo nga don sa comment mo hindi mo titignan or hahawakan and what so ever yung baby paglabas niya sayo. Dinadahilan mo lang yang severe depression mo para makatakas sa responsibilidad! So what kung malapit ka ng gumraduate? May ibang pagkakataon pa naman para sa pangarap mo. Don't be too selfish na kaya mong i let go yung sariling anak mo para lang sa future na gusto mo. And you said na gagawin mo yung for your future baby? Gad!!! Hindi ka naman ba unfair non? Sa ipinagbubuntis mo ngayon? Yan pa nga lang tinatakbuhan mo na responsibilidad pano pa sa mga future kids mo? I pity you, so damn much!!! Huwag ka kasing buka ng buka kung ganyan ang mind set mo.

Magbasa pa
5y ago

STUPID CREATURE 🙄 Buka pa more ineng 😂

Sa totoo lng po ate I feel sad for your baby. Meron din po akong depression and maraming beses na po akong nag tangkang mag pakamatay, pero hindi po ako na wawalan ng pag asa na hindi ko masusuportahan ang baby ko, kahit mag isa lng ako alam kong kaya ko kasi gusto kong makitang naka smile yung baby ko. Ang depression po ay na gagamot, may gamot para dun and kung wala naman pong pang gamot marami parin paraan para mabawasan ang depression. Mag dasal lng po kayo. At gawin nyong lakas ang baby nyo. Regarding naman po dun sa mag stop ka ng pag aaral dahil sa baby nyo. Hindi po totoo yun may bestfriend po ako na buntis sya nung 4th year college kami at still nag aral parin sya at nag tapos. Hindi po talaga dahilan ang depression and pagiging student para ipaampon ang baby. Isipin nyo naman po mararamdaman ng baby nyo someday. At panu kung gusto mo na alagaan ang baby mo? Hindi mo na sya ma babalik kasi napaampon mo na. Please wag mong ipaampon, may mga agency sa gov na pwd tumulong sayo.

Magbasa pa
5y ago

Maswerte mga inaampon iha. Porket inampon, kawawa na. Tsk tsk. May mga mommoes dito na ampon lang, pero di sila naging kawawa

Daming santa santita nanaman na naglabasan. You can never compare a person's pain/suffering to yours kasi iba iba po ang tolerance ng bawat isa. If para sayo, nakaya mo, well, sa iba hindi. Sayo mommy, take care of your baby while she's still inside you and it takes a lot of guts to admit to oneself that you are in no way capable of taking care of your child. Don't mind these "ako nga ganito, ako nga ganyan" people kasi for them to feel superior, they'll latch on to your weaknesses. Ganoon ba kahirap intindihin na everyone is different? Siya na nagsabi may severe depression siya and DEPRESSION IS NOT A JOKE. You act against who you really are because your hormones is going berserk. You need medication and professional help and that is not a healthy environment for a growing baby. In all seriousness, #1 na judgmental talaga ang mga kapwa mommies minsan eh.

Magbasa pa
5y ago

Old posts na ang mga iti bakit lumalabas pa

Grabe ate nasasabi mo yan? Sabi mo 2 months palang sa tyan mo si baby. Matagal pa kayo magsasama. Sana naman sa panahon na yun matutunan mo syang mahalin. Sarili mong laman at dugo yan. I know na may malalim kanh dahilan kung bakit ganyan yung desisyon mo at mga nasasabi. Maybe may bitter past ka. Pero sana maisip mo na walang kasalanan si baby sa kung ano mang nakaraan mo. Blessing yan mamsh. What if ikaw yung nasa sitwasyon ni baby? Nalaman mo na 2months ka palang gusto kana din ipa ampon ng nanay mo at ayaw ka manlang nya makita at mahawakan. Diba sobrang sakit non? Sana po isipin mo magiging anak mo. Jesus Loves you. Especially si baby. Blessing from above ang little angel na yan. May that baby be your hope and inspiration. Hindi ka pababayaan ng Lord. He will provide your needs. And healing for your depression. Talk to Him.

Magbasa pa

Hi. I've been through depression din, actually sa sobrang depress ko... Kbuwanan ko na nung nagkaroon ako ng lakas na sabihin sa parents ko yung sitwasyon ko ngayon. Akala ko magagalit sila, pero hindi. Oo, siguro nainis o nadisappoint kasi wala pa akong napapatunayan o naitulong sa kanila. Pero every child is a blessing. Hindi mo man sya makitang blessing ngayon, pero someday... Blessing siya sken and sa family ko ngayon kahit di pa siya lumalabas. Kung wala ang partner mo, kawalan nya na hindi makita ang magandang bata na ilalabas mo sa mundo. Hindi ko sasabihin na wag kang madepress or anything kasi walang magagawa yun. Tibayan mo ang loob mo, maging matapang ka para sa sarili mo at sa magiging baby mo. Fight lang ng fight. May support group para sa mga single parent, government and private. Kaya mo yan ate 😊

Magbasa pa
5y ago

Ok. But I will continue to pray for you ate. Sana nabibigla ka lng sa mga sinasabi mo ngayon. Baka nappressure ka lng because of what we are saying. Since matagal pa naman before mo mailalabas ang baby, have faith lang na makakaya mong lagpasan to and you can still change your mind or keep up with your decision. ☺️

Wag muna ipa Adopt.Oo dipression is not a Joke! Mahirap! Pero bakit di mo nalang gawing insperasyon yang Baby mo. Saan man yan Nagawa, paano man yan nagawa, Biyaya parin yan🙂 let say na di mo kagustuhan, na di ka Handa? No don't say that,.Plan din yan Ni Lord, binigay niya yang Baby mo sa ganyang katayuan mo sa ganyang kalagayan mo na Student ka.,kahit na ganyan May Magandang dahilan parin🙂 Oo nag aaral ka, May Pangarap ka.,masarap mangarap lalo na' t kasama ang Anak. Lakasan mo lang Luob mo, pupwedeng pwede ka namang mangarap ng kasama yan, pupwede ka namang maging successful na kasama yang biyaya mo🙂.be strong nalang, wag mong ipamigay yung isang Maganda at malaking Pinagkaloob sayo ng Diyos.Just Ask And Pray to Our Lord, na maging matatag ka at maging handa 🙂🙂 be strong🙂🙂🙂❤️❤️ Godbless!

Magbasa pa

Hi, sis! I'm 20 and now on my 17th week of pregnancy. The first time na malaman kong pregnant ako, the first thing na pumasok agad sa isip ko is to abort my baby. Na-depress ako kasi sobrang daming bagay kong naisip lalo na't kaga-graduate ko lang and kasa-start ko lang sa work. Ang dami ko ring bagay na sinacrifice lalo na yung dream job ko sa dream company ko rin. Pero, mas pinili ko si baby. Kasi blessing 'yan. Never 'yan naging wrong timing. Yung studies mo, pwede mong balikan 'yan. Pero yung chance na masubaybayan mo yung paglaki ni baby, di mo na maibabalik 'yun. Calm yourself and your mind. Masyado pang maaga to decide. Ang sarap kaya sa feeling everytime na maririnig mo yung heartbeat nya. All you need to do is to pray. Trust God. Hindi nya ibibigay 'yang blessing kung alam nyang di mo kaya.

Magbasa pa