birth defect
Malaki po bang possibility na magkaroon ng birth defect ang baby ko dahil di po ako nakakainom ng prenatal vitamins? And wala a po akong ultrasound kasi po dahil dito sa quarantine 8 months preggy na po
May possibility mommy kasi isa sa mga required vitamins ni baby for development at to prevent defects as per my OB is follic acid. Though may mga kilala naman akong di nagvitamins at all, ok naman baby nila pero proper diet po yun and healthy lifestyle ang ginawa niya. Sana po healthy si baby. Please magpacheckup or ultrasound na kayo kahit quarantine. Allowed ang mga buntis na lumabas at magpacheckup during quarantine, kahit wala pa kayong qpass kasi considered yan as emergency case.
Magbasa paNoong panahon nga po nila jose rizal walang vitamins, health center at ultrasound monthly pero lumaki sila maayos magkakapatid. Pero po kasi sa panahon ngayon puro processed food na hindi healthy mga pagkain at madami na nauuso na sakit kaya nakakatulong po vitamins para sa paglaki ni baby sa tiyan. Kung healthy po ang mga kinakain niyo, regular exercise, wala po magiging problema kay baby. Minsan din po nasa lahi ang mga birth defect
Magbasa pamommy sa first baby ko unexpected and unplanned kasi sya , wala kaming pera , single mother pa ako , wala akong pang vitamins bukod sa ferous sulfate na bnbgay sa center , ang kinakain ko po gulay at prutas may mga tanim po kami sa probinsya . di ako nagpapaka stress kung wala ako .
Sobrang mahalaga ang prenatal check-up at vitamins. Lalo na kung hnd healthy life style ang ina,dagdag mo pa ung mga genetics disorder at sakit na nakukuha sa paligid. Pray ka lang na healthy baby mo. Pero sana magpacheck-up ka na kasi 9months ka na eh baka mahirapan ka
mamsh, share ko lang. According to my mother lahat kme mgkakapatid never nya nainuman ng vitamins and milk during pregnancy. Pero pag labas nmin pure breast milk, hanggang 2yrs old. Super healthy nman kami at never pa nhospitalize. We are all professionals na 😊
pray ka lang... ako nakapag pacheck may vitamins pero di ko nainom kasi ayoko talaga nag te take ng vitamins. sumasama pakiramdam ko. bawi na lang sa mga healthy na pagkain.. magpaultrasound ka na para malaman mo kung nakaposisyon si baby.
Hindi naman po siguro.. Nung nagbuntis ako sa baby girl ko is lage din ako prenatal check up mamsh, kaso di ko masyado iniinom ang vitamins ko kasi ayaw ni baby, sinusuka ko.. Sa awa ng Diyos, she's normal and healthy naman..
Same din sakin, I'm also 32 weeks na preggy nag take ng vitamins pero di sya tuloy tuloy gawa ng quarantine no work no pay, walang pangbili ng prenatal vitamins also ultrasound wala parin. Kaya kahit papano, nawoworry din ako.
Thank you po.
No. May kakilala ako di naman nagvivitamins naka 4 na anak na normal naman lahat. Basta healthy foods ang kinakaen mo ok lang atleast ang pagkaen, all natural. May mga pagkaen na rich in folic to prevent birth defects
Hindi naman po siguro kasi sa Japan hindi naman din po binibigyan ng vitamins yung mga preggy don, advice lang nila is, control ung sugar intake tsaka more on fruits at everyday uminom ng mga 100% fruit juice.