Kaagaw sa sustento si MIL
Palabas lang ng hinaing mga mhie. Currently I am 9 months pregnant, si LIP lang ang nag wo work sa amin, minimum wage siya hindi naman ganun kalakihan ang sahod at may mga binabayaran kami. Ngayon na punta kami sa usapan nang pag papadala dahil nasa manila siya at ako ay nasa probinsya. 4k ang papadala niya kinsenas 1k sa mother niya 1k sa akin 2k para sa hulog ng motor, ngayon ang sabi niya mga mommy pag daw di time ng bayad ng motor 4k padin padala niya 2k sa mama niya 2k sa akin, mhie sa akin ang pagkain at diaper ni baby ang gastos ko, si mama niya halos wala naman ginagastos at nakakatanggap din galing sa mga kapatid ni LIP around 2k-3k. Gusto ko lang iprioritize niya kami. Manganganak ako. Pero halos parang gusto niya na ipadala ng buo sa nanay niya. Masama ba kung sabihin ko na 1k lang kada kinsenas ang ibigay niya muna? Di naman kami kasal kaya halos di ako mag salita tungkol sa sustento sa amin ni LIPπ’