dswd financial assistance
Makakakuha kaya tayo ?
Good day po! Pagdating po sa Social Amelioration Program ng DSWD ay may mga sectors po ng community ang eligible na makakuha nyan which include solo parents, pwsn, senior, mga 4Ps, mga taong no work no pay at iba pa. Sa barangay po inilodge yung responsibility kasi para sa national government sila ang mas nakakaalam kung sino ang lubos na nangangailangan. Ang problema nga lang po ay kung hindi alam ng barangay officials ninyo kung sino ang higit na nangangailangan. Anyway, kung talagang nangangailangan po kayo ay pwede naman po kayong maginquire sa barangay ninyo po. Ang form nga po pala ay barangay ang magpoprovide at hindi po pwedeng kayo ang magdadownload at magpiprint kasi government form po yun at may barcode po yun. :)
Magbasa paSana all 😂 haha hays kelan kaya uunlad Pilipinas. Masakit umasa eh. For sure kung meron nyan uunahin na nila mga sarili nila tpos mga kakilala nila, swerte nlng kung may magdisseminate nyan ng maayos at patas tlga. Simpleng alcohol pa nga lang jusme di na makatao ang pamimili or pamimigay, tinataasan pa ng presyo ng mga kupal 😂. Pano pa kaya pag ganan usapang pera na tlgaa. Hays kapwa Pilipino nga nmn eh malma.
Magbasa paAng Hirap mag Expect jan momsh 😌 ako nga dna dn aasa sa Dole yung 5k e nag stop dn nmn company na pinapasukan ko kc nga may Covid. Tapos relief Goods wla dn Ni Quarantine pass wla dn binigay samin yan pa kaya. 😌
Sana. Depende sa lgu natin. Dito nag inquire na kami sa brgy namin wala pa daw form. Eh actually downloadable naman yan. Sana hindi sila kurakot o namimili lang kung sino lang gusto bigyan.
Mahirap umasa po momsh.Lalo pa kung dadaan sa barangay.Reliefs good di man lang kami nabigyan.May pinipili dito.E nakain din naman kami.Kaya mahirap umasa sa ganan.
Dito samin angeles, naglista palang sila, pero walang form,.ewan lang kung kelan, at kung ibibigay ba talaga yan.. hoping nalang..
hwag naman sana abusuhin ng mga may kapangyarihan at maibigay sa tamang mga nangangailangan
Don't expect. Lalo na po kame dito. Relief nga po di nakarating pera pa kaya 🤷♀️
gaya dito samin sa buong street bahay namin malaki kasi dalawang lote kaya nung bigayan ng relief salamat at naabutan kami 2kilos na bigas samantalang yung iba may delata at noodles pa..kaya naman malaki bahay namin kasi malaki pamilya namin..well kung magbibigay sila ng ganyang pera sana patas lalo na sa ating manganganak sa mga susunod na month tapos walang sahod 1month mga asawa natin..
For low income families, 4Ps and registered indigents lang daw 😢
Hay nako sana mga makakuha tayo
mum of bangladeshi boy