Nanay lang

Mahirap pala talaga kapag wala kang income noh. Yung nanay ka lang, wala kang sariling pera. Kung magpapakamatay naman ako, kawawa nman anak ko. Yung gusto mo na lang maglaho pero d pwde kasi may anak na nag depende sayo. Kailan kaya matatapos ang mga paghihirap. #1stimemom #firstbaby #bantusharing

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wag mo pong sabihin na nanay ka LANG, dahil hindi po LANG ang pagiging isang ina. Magpakatatag ka po. Kahit mahirap, humugot ka ng lakas sa anak mo, wala tayong hindi kakayanin para sa kanila 😉