mother in law problem

Magvent out lang ako wala kasi akong makausap about this.. Nagiisang anak ang asawa ko, wala na din tatay nya. Dati alternate dito sa nanay ko at dun sa nanay niya kami titira ng anak namin. Yung asawa ko dun sa nanay niya nakatira kasi dun malapit work nya. Ngayong lockdown, dito siya samin pero occasionally pumupunta pa din siya dun sa nanay nya. Yung nanay niya parang nagpapababy. Papabili lang sa tindahan na ilang hakbang lang ung layo sa bahay nila, iuutos pa sa asawa ko kahit out of the way (kasi pauwi na siya samin). Mabait naman si mother in law kaya lang may mga time na parang nakikipagkompitensya siya sakin. Buntis ako ngayon at lagi ko hinihintay yung asawa ko para tulungan ako sa pagaalaga sa anak namin. Hinihintay ko din siya kumain pero nalalate umuwi dahil nga kailangan pa nyang puntahan ang nanay niya. Hindi naman mahina yung nanay niya at may time pa gumala kapag gusto niya.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pagbigyan mo na lang sis. naglalambing lang talaga sa anak nya. kung mabait naman sya sayo edi swerte kana rin. buntis ka kaya madali ka magselos. kausapin mo asawa mo. magpababy ka rin. hahaha. para mabalanse nya rin minsan.