Unilove diaper UTI

Magtatanong lang po ako. Kung meron dito case ng uti kay baby boy na 4months. (Mixed feed si baby. Kung uti galing sa nanay, siguro dapat ay nadetect agad bago manganak?) Sabi ng doctors ay posible daw sa diaper. Ang gamit po nilang diaper is unilove.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung anak ko, nagka UTI din last Dec. Sabi samin ng doktor, possible causes are, nabababaran ng matagal sa diaper si baby and hindi tamang pag wipe ng private parts ni baby. hindi po sya sa brand ng diaper. sa hygiene po siya dahil bacteria po ang cause ng UTI. Para po maiwasan, wag na po patagalin ang diaper more than 5 hrs and if possible, wag laging ibabad sa diaper si baby. bigyan nio po kahit at least 1 hr na nakapanty or brief lang siya para nakakahinga po sila from nappies. and kung girl po si lo, ang pag wipe po ng privates is from their genitals to their pwet and once lang mag wipe. wag pabalik balik. pero mas makakasiguro po if kada palit ng diaper, huhugasan niyo na lang po ng water.

Magbasa pa