Ewan
Maglalabas lang po ng sama ng loob. Hindi ko kasi masumbong sa magulang ko dahil ayoko siyang masira sa side ko. Bakit ganun? Bakit parang mas importante pa yung ibang tao kesa saaming mag ina niya? Bakit mas natitiis niya ako ngayon kung kailan may baby na kami? Dati sinasabayan pa niya ako kumain ngayon nauuna at hindi man lang niya naiisip na gutom na ako. May business din kami siya nagbabantay pero magkano lang naman nakukuha namin doon tapos binibili pa ng mga kailangan namin lalo na kay baby pero iniisip niya pang uminom, mas ginagastusan din niya aso niya imagine yung anak niya walang bayad bakuna pero ang aso meron. Mas interesado pa siya sa aso niya e. Mas binibilhan niya pa ng gamit yun. Mas may plano siya sa aso niya keea sa anak niya. Hirap na hirap na ako gusto ko na siyang uwian dun sa bahay ng magulang ko pero una tinataguan niya akong pera tapos bigla bigla siyang babawi saamin at kung pakiramdam niya okay na ako e gagawin nanaman niya ulit nakagawian niya. Hindi ko na alam gagawin ko :(