#TitoAlexQuotes

Kahit madalas nakakabaliw ang pagiging hyper at kulit ng ating mga anak, mas gugustuhin ko pa rin na magtatakbo siya at mag-parkour sa sofa namin kesa naman meron siyang sakit. Naalala ko dati, isang araw, bigla na lang naging matamlay ang aking baby boy. Ayaw niyang kumain. Walang gana. Buong araw lang na gusto niyang nakayakap sa'kin at sa mommy niya. Nakakapanibago. Yun pala, nagkaroon siya ng dengue. Sobrang nakakabaliw bilang magulang. Kaya para sa'kin, mas okay na ang sobrang kulit kesa may sakit. Mas masarap marinig ang malutong niya na pagtawa kesa marinig ko siyang sumusuka. Agree ba kayo, mommies? May similar na bang nangyari sa inyo?

#TitoAlexQuotes
37 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yes po. super agree.. kapag walang sakit ang anak ko nakakatuwa naman kahit madaldal. andaming tanong..taz takbo ng takbo sa sala ang lutong pa ng tawa pero ok lang sa amin ng papa nya. naghaharutan pa silang mag-ama. Pero kapag maysakit antahimik po ng bahay yung anak ko nakahiga lang sa sofa namin, kung hindi tulog nakatitig lang sa amin. ni ayaw kumain ambilis pa naman nya pumayat. taz nakakaawa pag sinasabi nya nasusuka daw sya. Kaya mas ok nang makuit at madaldal kesa naman maysakit nakakapanibago at nakakadurog po sa damdamin ng magulang dala ng awa sa anak.

Magbasa pa
VIP Member

Yes na yes.. Yong anak ko sobrang hyper. Buong araw walang tigil sa pagtakbo talon at kung ano ano pa. Ako din walang tigil sa pasaway. Minsan lalabas na yong litid ko sa leeg sa kakasigaw. Minsan nagkalagnat. Tulog lng ng tulog buong araw sobrang tamlay pa. Sabi ko anak sige ok nalang mag pasaway kna takbo kna at tumalon hanggat gusto mo kesa matamlay ka dyan sa higaan

Magbasa pa

Agree po ko dito. kakasabi ko lang yan sa mister ko kung ano gusto nya may sakit anak nya o makulit anak nya. Yung baby namin 9 months na today. Pakulit ng pakulit na sya at nagiging hyper lalo na sa gabi madalas na 12 or 1 am na natutulog not because sa youtube napupuyat sya kakalaro nya kakagulong sa kama at kakadagan samian ng Papa nya. kesa naman sa may sakit .

Magbasa pa
VIP Member

Agree sobra! Baby ko, okay lang na wag moko patulugin sa gabi. Okay lang kahit oras oras guato mo pagpapalit ng diaper kahit disoras ng gabi, wag lang buong magdamag kang hindi umiiyak at natanggi sa dede. Yun pala may nararamdaman ka nang kakaiba.

Very true. Natural lang naman sa kids ang makulit. I'm super thankful na never pa sila nagkasakit (2.5yrs and isang 2months), pero kung magkataon man, baka i-wish ko na lang na ako na lang magkasakit, wag na sila.

VIP Member

Agree po. Baby ko sobrang kulit parang lagi di mapakali. kaya pag tumamlay sya alam na namin na may nararamdaman sya. kaya mas okay talaga na makulit kasi nakaka awa din si baby

pareho din dito sa bahay napaka hyper napaka daldal pa hayaan ko nlng kasi mas ok na ganoon kisa na makita ko na matamlay ung anak ko

very much agree po Tito Alex.. dapat sugiraduhin na healthy kasi very expensive pag Kay sakit 😚

VIP Member

Agree!!!! This past few days nagkasakit si baby, super pagod at puyat plus the anxiety I feel.

VIP Member

Very true. Mas okay nang mapagod magalaga sa makulit kaysa magalaga ng may sakit 😅