Sss Computation

Magkano puba talaga ang makukuha ko sa sss maternity if voluntary ako. 1year paid kuna jan to dec 2019 due date ko jan.03 2020. 550pesos yung contribution ko as voluntary . May nakakaalam puba dito yung tamang pag compute. ? Tsaka dba po magiiba ata yung makukuha na benefits sa jan.2020 aabot ng 70k makakakuha kaya ako nun if ever man manganak ako ng maaga ex.december kahit due date ko ng jan 03.ramdam ko kasi maaga ako manganganak sa duedate ko. Pwede ba akong mag submit nun ng maternity reimbersment bayun sa mismong branch namin sa january kapag alam kunang aprobado na yung 70k? Ahaha salamat sa sasagot naguguluhan kasi ako kung magkano makukuha ko fix ba sa lahat yung binibigay mapa voluntary or employer.

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Una, hindi po 70K ang makukuha mo. Ang makakakuha lang nun ay mga members na nagbabayad ng 2400 a month for SSS contribution. Kung January 2020 ang due date mo, ang qualifying period mo ay Oct 2018-Sept 2019. Meron kang 6 na hulog na pasok diyan sa qualifying period (Dahil hanggang 6 lang naman ang number ng max contri for Mat Ben). Ganito po ang pagcocomopute: 1. Kunin ang MSC equivalent ng binabayad nyo na contribution monthly (makikita ito sa sss website, search nyo sa google sss contribution schedule). 550 - MSC: 4,500 1. Kunin ang total na MSC. Formula: MSC x Ilang buwan ang pasok sa qualifying period 4,500 × 6 = 27,000 2. Kunin ang Daily Salary Credit Formula: Total MSC ÷ 180 (bilang ng araw sa 6 months) 27,000 ÷ 180 = 150 3. Para makuha ang amount ng benefit ganito ang formula: Daily salary credit x number of days of mat leave 150 x 105 = 15,750. 15,750 po ang makukuha nyo sa mat benefit given na tama mga numbers na binigay nyo at makapagpasa kayo ng requirements.

Magbasa pa