Philhealth

Magkano po kaya maleless sa philhealth pag nanganak ako? I'm only 17 pero kukuha palang po ako ng philhealth malaki din po kaya ang mababawas kasi sabi po dun sa hospital na panganganakan ko 35k daw lahat ng magagastos tsaka pwede ko din daw pong magamit yung kay mama malaki po kaya maleless pag ginamit ko yung kay mama at kumuha ako ng akin? Thanks po

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi mu magagamit un philhealth ng mama mo. Kasi kaht minor age kapa. Buntis kana. Yan ang policy ng philhealth kht minor bsta buntis sariling philhealth na un. Kumuha kana ng phil health mu para magamit mu sa panganganak mo. Depende ang coveraged ng phil health if normal delivery 5k, pag CS 19k. Pero if naka private doctor at hospital ka cympre hindi lahat i cocover ng philhealth un. Lalo na ang pf ng OB mu.

Magbasa pa
5y ago

Yes po. Halos every quarter nagpapalit ng policy ang phil health. Even kaming mga health workers nalilito sa policy nila pag ng labas sila ng memo.

VIP Member

Isang philhealth lang pwede gamitin. Not so sure kung magagamit mo sa mama mo sa panganganak, usually kasi pag may asawa na kahit minor di na considered as dependent. Better kumuha ng sariling philhealth or ask mo sa philhealth mismo. 6,500 mababawas pag normal hati hati na yun sa doctors, hospital at baby. 19k naman pag CS.

Magbasa pa

Isang philhealth lang po ang gagamitin mo, it's either icovered ka ni mama mo or kukuha ka ng sariling philhealth mo .. same lang naman yun ng coverage, kapag CS delivery ka po ang mababawas sa magiging hospital bill mo na pwede icovered ni philhealth is 19,000.. kapag naman po Normal delivery is 5,000 ..

Magbasa pa

Same lang ang bawas kung sayo o sa mama mo ang gagamitin as long as may hulog kayo 9 months bago ka manganak. Yung amount ng maleless, depende kung cs o normal delivery ka. Pwede ka humingi ng quotation sa OB mo pag nagpacheck up ka. Ganun kasi ginawa ko.

VIP Member

Hindi ka pa yata qualified maging member ng philhealth. Underage ka pa kasi. Ang pwede mo lang magamit ay yung sa mama kung nakadependent ka sa kanya at kung updated ang contribution ng mama mo

Kung sa mama mo kukunin yung phealth pwede as long as dependent ka nya.. And then dapat updated contributions niya..yung sa ileless naman lam ko depende sa hulog ng mama mo...

Covered ka pa ng mother mo since menor de edad ka pa lang. Sister ko 21 covered pa sya eh. Fix po ang covered ni philhealth. Cs-19k, normal (hospital)-6,500, lying-in-9500.

Meron nang sponsored philhealth ngaun , at yun yung ginamit ko , ask ka sa barangay nyo kung panu makka.kuha nito , umabot bill ko 21k pero wala akong binayaran kahit piso .

5y ago

Public hospital ,

Kakukuha ko lng po ng philhealth nong july taz hinulugan ko ng 6months. Sa january huhukugan ko po ulit ng 6months.pwd kna po ba siyang magamit ng feb. 14.?

VIP Member

Mas okay sis if kuha ka ng sarili mong philhealth para covered na rin si baby kaso isa lang pwede mo gamitin. If normal delivery less 6,500 pag private, cs 19k.