hm?

magkano po ba tlga mgpacheck up sa mga OB. ? 800 po kc singil skn tas yung gamot na nereseta skn. is 83 pesos isa . 1,600 po lhat binayaran ko. ganun po ba tlga kamahal?

103 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Tagasaan ka sis? Ako sa Pampanga private OB 300php per visit lang. Meron siyang parang portable or mini ultrasound kapag sinilip namin si Baby additional 200 lang. 'Nung pinaggagamot ako ng pampakapit due to cramps and spotting, hindi naman niya ako pinilit bumili pero kasi 'nung nakita kong mas mura sa kanya compared sa Mercury and other major pharmacies, bumalik talaga ako sa kanya para bumili. To give you an idea, 'yung Duphaston is 80php+ sa Mercury, sa OB ko 55php lang! Sa vitamins/supplements hindi naman masyadong nagkakalayo ang presyo sa drugstore sa presyo ng OB ko so okay lang kahit sa labas na bilhin.

Magbasa pa
5y ago

@Trisha Hi Mamsh! Taga-Dau ako. Ikaw po ba? Sino si tita Lani? 😁 Hehe

VIP Member

Depende siguro din sa kung saan ka nagpapa-check up. Ako kasi 785 check up ko eh. Wala pang lab yun. Pati maganda kasi facilities ng clinic, Healthway yung name. Kaya siguro mahal. Pero ultrasound nila 1500 lang all in na, yung sa first ko, kala ko mura na, 1800. Iba pa yung para marinig mo yung heartbeat. Pero sa gamot, sa labas ako bumibili. Mahal talaga mga gamot lalo kung pampakapit, nasa 1600 din yung 21 pcs nun. Antibiotic pa for UTI mahal din 😂

Magbasa pa
5y ago

Pag mamahalin talaga usually yung clinic, mahal talaga heheh

Depende un kung gano kaindemand ang OB mo and ano standing nya sa hospital. For example magpapagupit ka mamimili ka if senior stylist or junior stylist syempre mas mahal ang senior stylist. Ang gamot din na irereseta depende din ano bang klase ang binigay saung gamot vitamins ba or pangpakapit. Ibaiba presyo momshie kaya tau namimili if cno sa tingin natin ang afford natin at sa tingin natin na makakatulong sa atin na OB

Magbasa pa
5y ago

wala nman po gnwa skn.. ,:(

Private ka po ba nagpapacheckup? Pag private kadalasan po talaga mahal sakin po 550... Checkup lang yun.. Di pa kasama mga vitamins, and tvs... Pinakamahal na nireseta sakin ni ob namin ni baby ay pampakapit 93 isa... Once a day for 7days tapos check up ulit panibagong tvs nakitaan kasi ako sub. Hemo

Magbasa pa

Ako nga sa maternity clinic free check up basta dun ka manganganak at reseta lang yung vitamins ikaw na bahala bumili sa drugs store or pharmacy at yung Labaratory lang ang bayad Baka isa private hospital or clinic ka sis kaya mahal -Just sharing

VIP Member

Depende po talaga sa OB. OB ko po 500 ang charge niya. 😊 ano pong gamot nireseta sa inyo? Usually pampakapit na meds nasa ganyan talaga price sis. Minsan nagbibigay sila ng discount mas mura kesa sa drugstore pero option mo naman kung san ka bibili.

5y ago

provera po mam.. kaya lng po my spotting po aq kya po aq ngpacheckup sa knya. ndi qoh po kc sure na buntis na aq. tas advice nya skn mgsex dw po kme ng asawa qoh ng may 30 to june 4 every other day. kaya lng po hanggang ngaun my spot pa din aq. :(

Sakin sis wala sa gamot kalangtalaga mallakihan lalo na yung pampakapit kasi ung ung pinakamahal☺pero sa bayad wala o dikasi private ehh. Parang health center lang din pero hindi iba center dito samjn tawag dun sa pinapavheck apan ko annex po

sa ob ko 1000 fee kahit reseta lang. ganon tlga. pra makatipid ka sa mga public clinic n may ob ka mag pa check up. minsan 350 lng sila maningil don. ung gamot naman pede s iba ka bumili..hndi mismo s ob. bsta may reseta ka..

Sa una kong OB 250php plus transV 750php. Tpos yung gamot sa mercury pwedeng bilihin... Dahil nag ka ECQ humanap ako mas malapit na clinic.. Ngayon yung OB ko 600php. Ang check up yung gamot sa mercury din bibilihin...

VIP Member

Depende po kase sa PF ng OB mo yan sis. Saken before 500 tapos yung mga gamot naman depende po sa health status nyo and anong vitamins yung nireseta. Pero masyado po atang pricey kung 83php isa😅

5y ago

:( ndi ko man lang nalinaw qng buntis na ba aq or ndi. 😩😭 tas ganun pa kamahal yung cngil nya skn.. 😩 firstimer po kc aq eh. :( ndi ko po tlga alam ggwin.