53 Replies
Nasa akin kasi yung buong sweldo nya, so ako talaga nag bubudget, bayad ng bills, groceries etc.. Allowance nya 500 lang po transpo, free naman kasi food nya sa ofc and yung accommodation, so kung magkano matitira sa sweldo nya, savings namen yun. Wala akong allowance, kasi kung may gusto naman ako sasabihin ko lang sknya..
buo sahod po binibigay or sinasabi ng asawa ko, same kmi may work, sya nasa 20k per cut off home based work kya wala kaltas, ako 18k per cut off kc may mga deductions..npagkakasya po nmin sa mga gastos sa bahay at iba pang payables, sa food lang kmi magastos at ngsasave din ako ng hnd nya alam pang-emergency fund
Kung 3 lang kayo sa bahay mommy, madali lang yan. Di pa naman ata magastos sa schooling si baby mo. Since twice siya sumasahod sa isang buwan, I suggest maglaan ka ng budget sa mga bayarin. Kahit half every payout nya para sa katapusan ng buwan buo na. Wag ka din bibili masyado ng wants. Unahin ang needs. :)
ako po nghahawak at ngbbudget sa lahat. dati nung wala png mga anak halos araw araw kami ngpapadeliver pagkain at tuwing weekend gagala. nung may mga anak na nbawasan na tlg. itabi 20% ng binibigay sa inyo sa account na pang savings lang, wag nyo po yun iconsider na pwedeng gastusin.
Kung yung basic salary po nya abot kami mga 35k,kapag may incentives mga 45k a month. Family of 4 kami and husband ko lang nagwwork, kung tutuusin medyo malaki na pero sakto lang kami. Hndi kami nakakapag save di naman kami maluho marami lang sguro bills na binabayaran 😢
Ako hindi ko hinihingi ung sweldo nya. May mga nakatoka sa amin na bayarin sa bahay at kotse. Sa kanya bahay, kotse at internet kasi mas malaki naman ung sweldo nya kesa sa akin. Sa akin naman, bill sa kuryente, tubig, cable. Pero sa needs ng mga bata, hati pa rin kami.
Ganyan ata talaga pag pareho may work. Di ko p din nakikita na mag stop ako mag work after manganak. Nasasayangan ako sa career at sa sweldo. 😁
wala s akin inaabot momsh, iniischedule ko ung bills weekly, tpos kukunin ko s knya ung budget😊 nung pumapasok akons ofc bininigyan nia dn ako allowance weekly, hehe, kaso ngaun d2 lng ako s bahay, waley n ko allowance, sinasabi ko n lng mga needs ko s knya😊
Asawa ko naghahawak ng sahod niya eh, iniiwanan niya lang ako ng pera pang gastos ko. Nakikitira lang kasi kami sa bahay ng lola niya kasama namin yung parents niya, nag aabot lang kami ng 5k kada kinsenas
Siya taga budget. Inaabutan lang niya ko pag naghihingi ako pag may gusto akong bilhin ganun. I'll work again after manganak para may sarili akong money. Maselan lang talaga pagbubuntis ko now.
Expenses s pagbubuntis lng binibigay ng asawa ko (sa ngayon kasi dalawa kami may work so d ko sya hinihingian ng pera) hehehe work abroad sya, ako dito s pinas namn work.
Anonymous