Pahingi po ng opinyon 'nyo

Magkaiba kami ng religion ng live in partner ko. Ang gusto ng mga magulang ko na sa church namin ipa-bless si baby pero gusto ng tatay na pabinyagan sa church nila. Di ko alam kung anong magiging desisyon ko. Nakikitira kami sa magulang ko kaya may part pa rin sakin na gusto kong hingin ang opinyon nila. Ano po bang dapat kong gawin? Gusto kong sundi parents ko dahil nakikitira kami sa kanila at nahihiya ako na di sila mapagbigyan pero syempre gusto ko din na mapagbigyan yung tatay dahil sya ang ama ng bata. Ayaw naman pumayag ng mga magulang ko na ipa-bless sa church namin tapos pabinyagan sa church ng lip ko.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Magkaiba rin kami ng religion ng live-in partner ko. Roman Catholic ako at Baptist sya. Hindi naman kami nakitira sa kina mama at papa ko pero sila yung 40% na nagpro-provide ng mga pangangailangan ng baby ko pero gusto nila sa church ng partner e-bless si Baby. Gusto nga din ng mama at papa ko na mag convert ako ng religion kasi naniniwala sila na sa marriage, you have to commit to your husband at para magkaisa din kami as a family which is okay naman sakin at walang problema.

Magbasa pa

Pagusapan nyo momsh ng maayos pero kayo pa rin masusunod jan kc kayo ang magulang ni baby