sa pagbili ng mga gamit

Magkaano po nagastòs nyo po lahat lahat sa pagbili ng gamit at kailangan sa panganganak?

30 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sis kung on a budget ka, 'yung set ng all white baru-baruan with receiving blanket sa Shoppee nasa 1k plus lang. 'Yun lang muna talaga kailangan ng newborn maliban sa hygiene kit niya na dadalhin sa ospital (like diapers, cotton balls, alcohol, baby bath soap/liquid, baby oil, etc.). Kung may budget ka na, bili ka ng wooden crib or playpen (mas safe for me ang playpen pero more expensive). Kung wala pa, cosleeping muna (tabi kayo ni baby) pero please ingat po kasi at risk daw po for Sudden Infant Death Syndrome (SIDS) ang cosleeping.

Magbasa pa

2100 yung bed, kulambo, at barubaruan.. Kumpleto na 2000 din sa mga essentials namin sa ospital at sa bahay like soap, diapers at iba pa kasama na din dto bottles nya konti lang kasi binili ko kasi balak ko mag breastfeed 5000 gastos namin sa ospital public hospita lang ako nanganak via cs D na kami bumili ng crib kasi parang malaking crib na higaan namin kasi nilagyan na ni hubby harang kada gilid... Tsaka iba na din yung gastos sa stroller, walker at high chair nya inabot nun mga nasa 5000 din..

Magbasa pa
5y ago

Naghulog po ba kayo sa philhealth nyo para maka-avail nyan?

Sa lahat ng gamit ni baby plus mine mga 30-40k na. Honestly unti unti yun and hindi ko napansin basta starting March nagbabasa ako ng reviews then una muna for newborn yung clothes which binili ko lang from Shopee kasi my baby will quickly outgrow them. Then yung mga bigger clothes, grooming, sanitizing tools, bathing tools, crib, beddings, sterilizer, toiletries. :) nagenjoy ako ipunin lahat.

Magbasa pa

More or less 30k kasama na ung crib and stroller. Mas mababa sana jan if may mga hand me downs ako kaso wala, first baby girl sa angkan namin both sides ung anak ko so lahat ng damit na mahihiram sana o maibibigay, pang boy 🤣 napilitan tuloy ako bumili 😫 Yung sa panganganak ko, di ko pa alam but if worst case baka 180k to 200k kasi MMC.

Magbasa pa

May mga set ng barubaruan s lazada momy...tyaga ka lang maghanap po... Sa lazada po na order ung samin pero gift sya ng bayaw ko kaya nakaless kami konti nalang binile ni husband... Pero kung itototal nsa 4k lahat... Wag masyado madami bilhin mong baru baru momy kse mabilis ang paglaki ni baby baka 2mons to 3mons lang magamit...

Magbasa pa

Gamit ni baby nasa 5k cguro pati mga kelangan sa panganganak. Sa hospital binayaran namin less philhealth cguro nasa 65k iba pa ung foods na kinakain ng bantay at ibang gamot at tegaderm.. yung stroller at walker gift ng kapatid ko ke baby, crib nalang bibilhin namin or pinaglumaan nalang ng pamangkin ko cguro..

Magbasa pa

3000 sa essentials nya 1400 sa barubaruan And kung bumili din kase ako ng sleeveless onesie s saka may manggas saka frogsuits bali nasa 2k din yun Tas optional sa crib 3500 namin nabili Sa towel, receiving blanket, changing diaper pad, bib, socks, grooming kit at swaddle ay mga 1500 Almost 12k din po

Magbasa pa

Base sa checklist ko, nasa 16k na. Wala pa yung mga bibilhin sa grocery pero kasama na yung essentials ko, like epump, storage milk, milk shell and yung thermal bag with ice brick na. Di ganun karamdam yung gastos since nag5months si baby nagunti unti na kami ng gamit. Yung iba dun arte na lang din.

5y ago

1,150 lang po yung set ng new born clothes ko. The rest ay bigay ng pinsan ko. Included na din po kasi sa list yung crib and cribset, changing mat, swaddle, set of cleaning bottles, hygiene kit and others.

Nasa 30k po lahat ng nagastos nmin ng asawa ko. New dress po kasi lahat e kasama na dun yung essential nya,crib,stroller, baby carrier and etc. And good for 0 to 12mos na yung mga damit na nabili nmin dahil narin sa pandemic hehe.. Naninigurado lang 😁😊

VIP Member

Mga nasa 10k-15k din ,mga gamit lang ni baby more on damit ni baby mga kasya na niyang damit hanggang 8month siya, wala pa kaming nabiling crib stroller and walker 😅 na excite ako bumili ng mga damit ni baby haha