ECQ Thoughts.
Magbubuhos lang po ako ng sama ng loob, Di ko na alam gagawin ko, Sobrang nakakadepress na tong ECQ na toh, No work no pay pa.. Malapit na kabuwanan ko, yung inipon namin ng kalive in ko nanakaw pa ng kawork mate ko dati, ngayon lang namin napansin ?kaya di namin alam kung saan ako kukuha ng pera para sa panganganak ko.. Sobrang nakakadepress kasi nalock down pa kami dito sa stay in house namin, yung mga gamit ng baby ko nasa Bulacan.. Nandito ako ngayon sa Sampaloc Manila. Araw araw nangangamba ako dahil halos wala na kaming mabudget, umaasa nalang ako sa mga relief goods at delata, which is alam kong hindi healthy para kay baby, pero mas okay namn yun kesa sa walang makain ? Malapit na kabwunan ko tapos wala pa akong check up at second ultrasound dahil sa ECQ na'to. Gabi gabi nalang ako naiiyak at napupuyat, iniisip ko kung anong mangyayari saamin ni baby, lalo na at sa computershop lang kami nagtratrabaho ng papa ng baby ko.. No work no pay kami.. Stress n stress n ako, si baby nalang pinaghuhugutan ko ng lakas ? mahirap din manganak ng walang gamit ang baby ko :( Walang mga damit, Crib, diapers at iba pa. Nalockdown kami dito sa loob ng computer shop ng papa ng baby ko, may kwrto kami dito, di ko alam kung anong gagawin ko pag lumabas na si baby, wala kaming kahit na anong gamit niya, di naman kasi nmin inexpect na magkakaroon ng ganitong sitwasyon ? di ko na ralaga alam gagawin ko. Wala na akong maasahan na pamilya at tanging ang ama lang ng baby ko ang nasasandalan ko. kaso ngayon parehas kaming walang wala. Sana malagpasan namin ito ?