Magandang araw po, sana po may taga-SSS, doktor o kung sino pong may info. na makasagot po sa tanong ko.
Nanganak po ako noong April 28 (normal delivery) tapos nagkaroon po ng complication si baby at namatay noong April 29 (acute respiratory failure po cause of death)
Tanong ko lang po stillbirth po ba ito o neonatal death?
Nag-aasikaso po kasi ako ng maternity benefits ko sa sss, ang alam ko po kasi since nanganak naman ako ng normal at buhay kong naipanganak pasok po siya sa 105 days..
Salamat po sa tutugon, malaking tulong po.
Anonymous