stillbirth or neonatal death?

Magandang araw po, sana po may taga-SSS, doktor o kung sino pong may info. na makasagot po sa tanong ko. Nanganak po ako noong April 28 (normal delivery) tapos nagkaroon po ng complication si baby at namatay noong April 29 (acute respiratory failure po cause of death) Tanong ko lang po stillbirth po ba ito o neonatal death? Nag-aasikaso po kasi ako ng maternity benefits ko sa sss, ang alam ko po kasi since nanganak naman ako ng normal at buhay kong naipanganak pasok po siya sa 105 days.. Salamat po sa tutugon, malaking tulong po.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Neonatal death na. Kasi ang stillbirth is habang nasa tiyan or during delivery. While neonatal death is applicable sa first 28 days ni baby, 28 ka nanganak tapos 29 siya nawala so counted as one day na yun.

4y ago

Maraming salamat po sa tugon, ibig sabihin po ba nun pasok po ako sa 105 days ni sss?