Signs na hindi ideal partner ang kinakasama mo 🤔

Magandang araw mga ka-TAP! Share ko lang mga pananaw ko about being an ideal partner- 1st: May malasakit sa pamilya lalo na sa mga bata at babae Kapag ngdesisyon na tayo magasawa, unang binubuo natin ay pamilya. Masarap sa pakiramdam kapag nakikita natin na ang asawa natin ay tumutulong sa atin mag-alaga ng mga bata. 2nd: Kayang bumuhay ng pamilya Alam naman natin mga momsh, na kapag walang trabaho si hubby/partner sobrang nakakakaba sa araw araw. Lalo kung batugan, tamad o inaasa sa asawa ang pagkayod para sa pamilya. Kaya unang hinahanap ng mga wifey to be is asawa na madiskarte at may kakayahan n buhayin ang binubuong pamilya. 3rd: Hindi mukhang pera o sobrang hilig s pera Isa to sa mga red flags na iniiwasan ko sa mga lalaki. Kasi merong lalaki na sobrang gahaman sa pera na nauuwi sa pgkalulong sa sugal o mabilisang kitaan. Bilang asawa alam natin na marami tayong nais para sa pamilya pero wag hihigt sa sobra kasi nakakasama. Dapat parin n turuan natin ang bawat myembro ng pamilya na maging kuntento sa kung anong mayroon at magpasalamat sa mga biyaya sa araw araw. 4th: Walang bisyo Ang bisyo dulot lang ay away sa pamilya at dagdag gastos. Di lang yosi, alak at sugal. Kahit pambababae ay uri din ng bisyo. Kaya red flag kapag mabisyo ang isang tao. 5th: Maunawain, malambing at mabait Isa ito sa mga ugaling mahirap hanapin lalo kung katulad natin na maraming pinagdaraanan sa buhay. Katulad ko n bagong panganak, minsan inaatake ako ng anxiety at depression. Inaasahan natin na ang asawa/partner natin ang unang makakaunawa sa atin. 6th: Responsable at maasahan Ang pagiging responsable ay priority ang pamilya. Maasahan din sa pgpapalaki sa mga bata at ibang gawaing pantahanan. Hindi mabarkada at lalong hindi immature. 7th: May respeto sa magulang lalo sa ina, sa kapamilya at sa ibang mas nakakatatanda Ang magulang bagamat di natin kasama kapag nagkapamilya na tayo, nais natin na mabuti parin ang pakikisama ng partner natin sa kanila. Ngrereflect sa pagtrato nya sa sariling magulang ang magiging trato nya sayo at sa iyong mga anak pag magkasama na kayo sa iisang bubong. Iilan lamang ito sa mga senyales na ideal ang iyong asawa/partner. Alin dito ang nakikita mo sa iyong asawa? Maaring ang iba dito ay wala sa partner mo pero ang iba ay narito sa listahan. Kung wala man ang iba nilang katangian dito, maaring tayo ang maging daan para mahubog natin sila bilang ideal partner. Plus points nalang kapag lahat ng ito ay nasa partner mo. Syempre, kapag nakahanap pa sya ng maabilidad na asawa, wala na syang hahanapin pa. Pero kung mabisyo, walang respeto at tamad sa buhay, mag isip isip kana. Realtalk lang ses. 😅 #Redflags #IdealPartner #ProudWifeyhere #Learnfrompastexperiences #HappywifeHappyLife

Signs na hindi ideal partner ang kinakasama mo 🤔
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply