CHERISH EVERY TIME WITH YOUR FAMILY
The most precious thing about life is TIME. Sobrang bilis lang ng panahon. Yung parang kakapanganak lang ni baby, gumagapang na, tumutubo na ang unang ngipin, naglalakad na, nagsasalita na, nag-aaral na, at marunong nang magdesisyon nang sa sarili nya. One day, you'll look back sa mga panahon na clingy pa sya sayo, "MOMMY" o "DADDY" pa ang bukang-bibig nya, yung panahon na palagi syang naka buntot sayo, umiiyak sya tuwing aalis ka. Sobrang bilis lang ng panahon. Sulitin mo hangga't na sayo pa ang atensyon nila, hangga't nakakasama mo pa, hangga't nasa puder mo pa dahil dadating din ang panahon na magsasarili sya at bubuo na ng sarili nyang pamilya. Remember, Money can't buy time - time para sa asawa, time para sa mga bata, time para sa sarili. Learn to prioritize your family compared sa trabaho, tropa at iba pa. Aanhin natin ang maraming pera kung kulang ng oras at presensya sa ating pamilya. Mas matimbang pa din ang presensya na ibinibigay natin sa mga bata, kaysa sa mga laruan na binibili natin para sa kanila. Maigsi lang ang buhay, make more memories with your family. Hindi natin tantsa kung hanggang kailan tayo o sila dito sa mundo. Sa huli, hindi materyal na bagay ang tatanim sa isip natin o nila, kundi ang bawat segundo ng magagandang alaala sa piling ng ating pamilya. ❤️