Hello po! First time mom po ako, currently 36 weeks. Base po sa experience ko, 19 weeks ko unang naramdaman si baby, pero konting sundot sundot lang. Then hindi pa consistent, minsan minsan lang. Then nasa 23 or 24 weeks po ata, noong talagang naramdaman ko na sya. Nakakapraning po talaga pag hindi maramdaman si baby kahit sa isang oras lang. Advice din po saakin ni OB, once na nararamdaman ko na sya, tapos pag feeling ko antagal nyang hindi gumalaw, or nag woworry ako, better na pa consult agad sakanya para iwas stress din ako 😅 Kaya 'til now, ganon ginagawa ko, lagi kong pinapakiramdaman, pag nag iba movements nya, di tulad ng nakaraang araw, pa ultrasound agad 😅