Mag rant lang po ako. Nakakainis kase yung asawa ko, excited na ako mamili ng gamit ni baby tas siya eh lagi sinasabing “excited ka ba?” “Bat ba nag mamadali kang bumili?” Nakakainis lang alam niyo yun, prang di siya excited din kaya nakakawala ng gana eh. Di man lang niya maiparamdam na gusto niyang bumili na ng gamit ng anak namin parang ako lang excited palagi nakakainis talaga parang walang pakielam hays. 9 months na tyan ko, malamang mag mamadali na ako mamili at super excited. Ngayon pa lang ako mag start bumili nakakawalang gana na dahil sa mga sinasabi niya hay nako

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ako momsh, gusto ko sana sa mall mamili kaso dahil sa pandemic bawal ang buntis. kinausap ko husband ko, na bibili ako ng gamit ni baby tru online. pumayag naman sya, halos gamit ng baby namin online nabili. ako pa rin naman ang namili ng gamit ni baby... sinasabi ko sa kanya kung magkano lahat babayaran. wala naman sya reklamo. 8months preggy here at halos kumpleto na gamit ni baby. mahirap po bumili ng gamit ni baby ng biglaan... mabuti ung paunti-paunti...

Magbasa pa