Mag rant lang po ako. Nakakainis kase yung asawa ko, excited na ako mamili ng gamit ni baby tas siya eh lagi sinasabing “excited ka ba?” “Bat ba nag mamadali kang bumili?” Nakakainis lang alam niyo yun, prang di siya excited din kaya nakakawala ng gana eh. Di man lang niya maiparamdam na gusto niyang bumili na ng gamit ng anak namin parang ako lang excited palagi nakakainis talaga parang walang pakielam hays. 9 months na tyan ko, malamang mag mamadali na ako mamili at super excited. Ngayon pa lang ako mag start bumili nakakawalang gana na dahil sa mga sinasabi niya hay nako

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi good day. isa po akong daddy. 😅 siguro po, napepressure si daddy, tulad ng naranasan ko. pero excited ako, ako pa nga namili at patuloy na mimili ng gamit ng baby ko, may ibat iba kasi tayong paghahandle ng pressure sa buhay. lalo ngayon, panigurado ako nagiisip yun paano buhayin ang baby dahil may pandemic, paano yung gastusin, trabaho, lahat maiisip ng isang daddy. pero di naman ibig sabihin nun ay di sya excited. ang advantage ko lang siguro ay nagopen ako sa asawa ko at naintindihan nya, kaya ito, naovercome ko yung pressure. try to reach out kung di makapagreach out si daddy. madadaan naman lahat sa magandang usapan. Godbless sa pagsasama nyo, kakayanin nyo yan. 🙏😇

Magbasa pa
5y ago

sana all may nagrereply din na daddy para malaman din ntn side nila 😅