Mag rant lang po ako. Nakakainis kase yung asawa ko, excited na ako mamili ng gamit ni baby tas siya eh lagi sinasabing “excited ka ba?” “Bat ba nag mamadali kang bumili?” Nakakainis lang alam niyo yun, prang di siya excited din kaya nakakawala ng gana eh. Di man lang niya maiparamdam na gusto niyang bumili na ng gamit ng anak namin parang ako lang excited palagi nakakainis talaga parang walang pakielam hays. 9 months na tyan ko, malamang mag mamadali na ako mamili at super excited. Ngayon pa lang ako mag start bumili nakakawalang gana na dahil sa mga sinasabi niya hay nako

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naku mommy, kabuwanan nyo na pala dapat po kumpleto na kayo ng gamit ni baby since kailangan pa pong labhan at plantsahin yun. Saka di nyo po alam baka bigla kayong manganak walang naka prepare na gamit si baby. Di naman po porket yun ang due date nyo dun talaga kayo manganganak. Sabihin nyo po yun sa hubby nyo para maliwanagan sya.

Magbasa pa